Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pebrero 19, 2018

Ang Misteryo ng Kabanalan | Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw (4)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Misteryo ng KabanalanTanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw (4)


  Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao? Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at gawin Niya ito mismo?

Pebrero 18, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Makabuluhan ang Buhay Natin


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tagalog na Cristianong Papuring Kanta  |  Makabuluhan ang Buhay Natin 

Buhay nati'y makabuluhan. Buhay nati'y makabuluhan.
Ngayo'y nakakatagpo natin ang Diyos, gawain Niya'y nararanasan.
Nakilala Siya sa katawang-tao, praktikal at totoo.
Nakita natin ang kahanga-hanga't nakakamanghang gawain Niya.

Pebrero 17, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"


  Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito?

Pebrero 16, 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Ang Pag  kakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)

  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang.

Pebrero 15, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol 

I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal, 
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Pebrero 14, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

lahat ng bagay, pagkamatuwid, ebanghelyo, Kaligtasan, buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang
  
  Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga anak, iyong bumubuo sa mga tao, at iyong mga nagbibigay serbisyo. Pinaghiwa-hiwalay Ko sila sa iba’t ibang kategorya alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naipahayag, Aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, tinatawag Ko ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay pinapayagan Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay ginagantimpalaan o pinarurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga gawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.

Pebrero 13, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)

  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang.