Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Nobyembre 8, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

katotohanan, karunungan, Langit, Biblia, Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

  Ang Diyos ay nagbibigkas ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa iba-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, nagwiwika Siya ng iba-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o inuulit ang parehong gawain, o nakakaramdam ng galimgim para sa mga bagay sa nakaraan; Siya ay Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakamahalaga na ang pagsasagawa ay dapat masentro sa kasalukuyang liwanag at aktwal ng mga salita ng Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing payak ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan.

Nobyembre 4, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

praktikal, sundin, Iglesia, Jesus, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

  Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan.

Nobyembre 3, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

katotohanan, Pananampalataya, Iglesia, Jesus, Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

  Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging tapat sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos.Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

Nobyembre 2, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos

praktikal, Pedro, Jesus, Iglesia, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos

  Sa maraming taon ang Espiritu ng Diyos ay masusing gumagawa sa lupa. Sa paglipas ng panahon, gumamit ang Diyos ng maraming tao upang isagawa ang Kanyang gawain. Ngunit ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na mapagpapahingahan. Kaya’t kumilos ang Diyos sa iba’t-ibang tao sa pagsasagawa ng gawain Niya at higit sa lahat Siya ay gumamit ng mga tao upang isagawa ito. Iyon ay dahil, sa loob ng maraming taon, hindi huminto ang gawain ng Diyos. Nagpatuloy itong sumulong sa pamamagitan ng mga tao, hanggang sa kasalukuyan. Kahit na marami na ang sinabi at ginawa ng Diyos, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, dahil hindi kailanman nagpakita ang Diyos sa tao, at Siya ay walang anyo. Kaya kailangang tuparin ng Diyos ang gawaing ito—ang pagpapahayag sa lahat ng tao ng tunay na kahalagahan ng praktikal na Diyos. Sa hangaring ito, dapat ipakita ng Diyos ang Kanyang Espiritu, tunay at nahahawakan, sa mga tao at kumilos sa kanilang kalagitnaan. Tanging kapag nagkaanyo ang Espiritu ng Diyos, at nagkaroon ng laman at mga buto, at nakikitang lumakad sa gitna ng mga tao, sinasamahan sila sa kanilang mga buhay, minsan ay nagpapakita at minsan ay ikinukubli ang Sarili Niya, ang mga tao ay mas mauunawaan Siya. Kapag nanatili sa katawang-tao ang Diyos, hindi Niya lubos na matatapos ang Kanyang gawain. Pagkatapos gumawa sa katawang-tao ng ilang panahon, isinasagawa ang ministeryo na kailangang gawin sa katawang-tao, dapat lisanin ng Diyos ang katawang-tao at gumawa sa espirituwal na dako sa anyo ng laman katulad ng ginawa ni Jesus matapos gumawa sa isang panahon sa normal na pagkatao at kinukumpleto ang lahat ng gawaing kailangang tapusin. Maaaring naaalala ninyo ito mula “Sa Landas … (5)”: “Naaalala Ko ang Aking Ama na sinasabi sa Akin, ‘Sa lupa, isagawa Mo lamang ang Aking kalooban at tapusin ang Aking atas. Wala Ka nang ibang aalalahanin.’” Ano ang nakikita mo sa mga siping ito? Nang ang Diyos ay pumarito sa lupa, ginawa Niya lamang ang gawain ng pagka-Diyos. Ito ang komisyon ng makalangit na Espiritu sa Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay pumarito lamang upang pumunta sa lahat ng dako at mangusap, upang ihayag ang Kanyang tinig sa iba’t-ibang paraan at mula sa iba’t-ibang pananaw. Ang Kanyang pangunahing layunin at simulain sa paggawa ay ang tustusan ang tao at turuan sila. Hindi Niya inaalala ang mga bagay na katulad ng magkaakibat na panaong relasyon o ang mga salaysayin sa buhay ng tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay ang mangusap para sa Espiritu. Kapag nagpapakita sa katawang-tao ang Espiritu ng Diyos nang aktuwal, nagbibigay lamang Siya para sa buhay ng tao at inihahayag ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa mga gawain ng tao, iyon ay, hindi Siya nakikisali sa gawain ng sangkatauhan. Hindi maaaring gumawa ang tao ng maka-Diyos na gawain, at hindi nakikisali ang Diyos sa gawain ng tao. Sa loob ng ilang taong gumawa ang Diyos sa lupa, gumamit Siya ng mga tao upang isagawa ang mga gawain Niya. Ngunit ang mga taong ito ay hindi maituturing na Diyos na nagkatawang-tao; maituturing lamang silang mga taong ginamit ng Diyos. Ngunit ang Diyos ng ngayon ay maaaring tuwirang mangusap mula sa pananaw na pagka-Diyos, isugo ang tinig ng Espiritu, at gumawa sa ngalan ng Espiritu. Ang lahat ng mga tao na ginamit ng Diyos sa paglipas ng panahon ay nagtataglay din ng Espiritu ng Diyos sa kanilang mga katawan, ngunit bakit hindi sila maaaring tawaging Diyos? Ang Diyos ngayon ay Espiritu ng Diyos na tuwirang gumagawa sa laman, si Jesus rin ay Espiritu ng Diyos na gumagawa sa laman. Ang panghuling dalawang ito ay tinatawag na Diyos. Kaya’t ano ang pagkakaiba? Sa paglipas ng panahon, ang mga taong ginamit ng Diyos ay may mga karaniwang pag-iisip at katuwiran. Alam nilang lahat kung paano kumilos at pangasiwaan ang mga pangyayari sa buhay. Nagtataglay sila ng payak na kaisipan at mga karaniwang bagay na nararapat mayroon ang mga tao. Ang karamihan sa kanila ay mayroong mga bukod-tanging kakayahan at likas na talino. Sa paggawa sa pamamagitan ng mga taong ito, ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang mga kakayahan nila, na ibinigay ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang kumikilos upang gumana ang mga kakayahan nila, at ginagamit ang kanilang lakas upang paglingkuran ang Diyos. Ngunit, ang katangian ng Diyos ay malaya mula sa kaisipan at malaya mula sa diwa. Hindi nito isinasama ang mga kuro-kuro ng tao at mayroong kakulangan sa kung ano angkaraniwang tinataglay ng tao. Iyon ay dahil, hindi nauunawaan ng Diyos ang mga simulain ng pag-uugali ng tao. Ito ang mangyayari kapag ang Diyos ngayon ay bumababa sa lupa. Siya ay gumagawa at nangungusap na hindi isinasama ang mga makataong palagay at makataong kaisipan, ngunit tuwirang inihahayag ang orihinal na mga intensyon ng Espiritu at tuwirang gumagawa sa ngalan ng Diyos. Ito ay nangangahulugang ang Espiritu ay lumalabas upang gumawa, na hindi rin nagsasama ng kahit na kaunting pag-iisip ng tao. Iyon ay, ang Diyos na nagkatawang-tao na kumakatawan sa tuwirang pagka-Diyos, ay walang kaisipang pantao o ideolohiya, walang pagkakaunawa sa mga simulain ng pag-uugali ng tao. Kung mayroon lamang pagka-Diyos na gawain (nangangahulugan na kung ang Diyos Mismo lamang ang nagsasagawa ng gawain), ang gawain ng Diyos ay hindi maisasagawa sa lupa. Kaya kapag pumarito sa lupa ang Diyos, kailangan Niyang magkaroon ng ilang tao na magagamit Niya upang gumawa sa sangkatauhan na kaugnay sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng mga gawain ng tao upang alalayan ang Kanyang pagka-Diyos na gawain. Kung hindi, ang tao ay mahihirapang tuwirang makisama sa gawaing pagka-Diyos. Ganito ang nangyari kay Jesus at sa Kanyang mga alagad. Sa panahon ng Kanyang buhay, binuwag ni Jesus ang mga lumang kautusan at nagtatag ng mga bago. Siya rin ay madalas na nangusap. Ang lahat ng ito ay ginawa sa pagka-Diyos. Ang mga alagad Niya, katulad nina Pedro, Pablo at Juan, lahat sila ay nanalig sa mga salita ni Jesus bilang kanilang saligan. Iyon ay dahil, nagsasagawa ang Diyos sa panahon ng gawain sa paglulunsad, at inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Nagdala Siya ng bagong panahon at binuwag ang luma, at tinupad ang mga salitang “Ang Diyos ang Simula at ang Katapusan”. Sa madaling salita, dapat magsagawa ang tao ng gawain ng tao bilang saligan sa pagka-Diyos na gawain. Matapos sabihin ni Jesus ang mga nais Niyang sabihin at tinapos ang Kanyang gawain sa lupa, iniwan Niya ang tao. At ang mga tao ay gumawa ayon sa simulain ng Kanyang mga salita at gumawa ayon sa mga katotohanang sinabi Niya. Ang lahat ng mga taong ito ay gumagawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang nagsasagawa ng mga gawain, kahit gaano karaming ulit Siya mangusap, hindi pa rin mauunawaan ng mga tao ang mga salita Niya, dahil Siya ay gumagawa sa pagka-Diyos at maaari lamang mangusap nang maka-Diyos. Mahirap para sa Kanya ang magpaliwanag ng mga bagay na maiintindihan ng mga karaniwang tao. Kaya’t kinailangan Niya ang mga apostol at mga propetang sumunod sa Kanya upang punan ang gawain Niya. Ito ang simulain kung paano gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao—ginagamit ang katawang-tao upang mangusap at kumilos upang matapos ang gawaing pagka-Diyos, at ginagamit ang ilan pang mga tao na sumusunod sa puso ng Diyos na punan ang mga gawain ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga tao na nagawang sumunod sa Kanyang puso upang magpastol at diligan ang sangkatauhan sa gayon ay makatanggap ng katotohanan ang bawat tao.

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

  Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad.Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: "Sapagkat ang aming magaang kapighatian, na panandalian lamang, ang siyang magdudulot sa amin ng lalong higit at walang hanggang kaluwalhatian." Dati, narinig ninyong lahat ang kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ang mga salitang ito ang isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lupa kung saan ito namamalagi. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lupang ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinalubong ng labis na pang-aabala, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa tamang panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit ito'y sa pamamagitan ng naturang paghihirap na gumagawa ang Diyos ng yugto ng Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng mala-satanas na disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay maaaring magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahulugan ng lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng mga taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at yaong mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Fariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Judas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at doon nagkakamit yaong mga ninanais Niyang magkamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

Nobyembre 1, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

pananampalataya sa Diyos, Kaalaman,Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos, Iglesia, Jesus

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

  
  Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

Oktubre 31, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

praktikal, Diyos, Iglesia, Jesus, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

  
  Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala mo lamang ang Tao—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagunawa sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, pati, kabilang dito ang pagkilala sa bawa't pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, dapat mo munang malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; dito, naman, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na pinagkakaabalahan ng lahat.