Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng magagandang araw at gabi kasama siya. Dito lamang sa puntong ito na kaunti ang pakiramdam ng tao sa Aking pagiging madaling lapitan, at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Akin ay nagiging madalas, nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—at bilang bunga, nakakakuha siya ng kaunting pagkakakilala sa Akin. Sa lahat ng mga tao, itinataas Ko ang Aking ulo at nagmamasid, at lahat sila ay nakikita Ako. Ngunit kapag ang sakuna ay sinapit na ng mundo, agad silang nagiging balisa, at ang Aking imahe ay naglalaho sa kanilang mga puso; tinamaan ng sindak sa pagdating ng sakuna, hindi nila iniintindi ang Aking mga paghihikayat. Maraming taon nang Ako ay nagdaan sa tao, ngunit lagi siyang nananatiling walang kamalayan, at hindi Ako kailanman nakilala. Ngayon, winiwika Ko sa kanya mula sa Aking mismong bibig, at hikayatin ang lahat ng tao na humarap sa Akin para tumanggap ng mga bagay mula sa Akin, ngunit pinapanatili pa rin nila ang kanilang pagitan mula sa Akin, at kaya naman hindi nila Ako kilala. Noong ang Aking mga yapak ay papunta tungo sa mga dulo ng sansinukob, ang tao ay magsisimulang magnilay sa kanyang sarili, at ang lahat ng tao ay pupunta sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at Ako ay sasambahin. Ito ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, ang Aking pagbabalik, at gayundin ang araw ng Aking pag-alis. Ngayon, Ako ay nagsimula na ng Aking gawa kasama ng buong sangkatauhan, pormal nang nagsimula, sa buong sansinukob, sa katapusan ng Aking plano sa pamamahala. Magmula sa sandaling ito at sa hinaharap, ang sinuman na hindi maingat ay may pananagutang sumailalim sa walang-awang pagkastigo sa kahit na anong sandali. Hindi dahil sa Ako ay walang puso, ngunit ito ay isang hakbang ng Aking plano sa pamamahala; lahat ay dapat sumailalim ayon sa mga hakbangin ng Aking plano, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kapag opisyal na akong nagsimula sa Aking gawa, ang lahat ng tao ay kikilos kagaya ng Aking kilos, gayon din ang mga tao sa buong sansinukob ay sasakupin ang kani-kanilang sarili bilang hakbang kasama Ako, mayroong “kagalakan” sa buong sansinukob, at ang tao ay Akin pang uudyukan. Ang kahihinatnan, ang malaking pulang dragon mismo ay pipilantikin sa isang estado ng diliryo at pagkalito dulot Ko, at nagsisilbing Aking gawa, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanais, na siyang iniiwan nang walang pagpipilian maliban sa magpasakop sa Aking kapangyarihan. Sa lahat ng Aking mga plano, ang malaking pulang dragon ay ang Aking kasalungat, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ako kailanman nagpaluwag sa Aking “mga kautusan” ukol dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawa ng Aking pagkakatawang-tao ay nakumpleto sa sarili nitong sambahayan. Sa ganitong paraan, ang malaking pulang dragon ay mas higit na kayang maglingkod sa Akin nang maayos, kung saan sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at kukumpletuhin ang Aking plano. Habang Ako ay gumagawa, ang lahat ng anghel ay papasok sa isang tiyak na digmaan kasama Ako at lulutasin ito para isakatuparan ang Aking mga hiling sa huling yugto, nang sa gayon ang mga tao sa daigdig ay susuko sa Aking harapan gaya ng mga anghel, at walang pagnanais na Ako ay tutulan, at walang ibang gagawin na paghihimagsik laban sa Akin. Ang mga ito ay mga pagbabago sa Aking gawa sa buong sansinukob.