Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikasiyam na Pagbigkas
Dahil ikaw ay isa sa pamilya ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na Aking inaatas. Hindi Ko hinihingi sa’yo na maging isang lumilipad na ulap lamang, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap nito at lalo pa ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang diwa dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay pumapanaog sa daigdig at ang isang bagong daigdig ay lumalaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay mismong panahon din na Ako ay pormal na gumagawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang namasdan ang sandali ng Aking pagdating? Sino ang nakakita na Ako ay hindi lamang mayroong isang pangalan, ngunit, bukod pa rito, Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi isinaayos ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking makapangyarihang panukala. Hindi Ako humihingi ng mabibigat na kahilingan sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay palaging ang praktikal na Diyos, at sapagkat Ako ang Makapangyarihan-sa-lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa tao. Lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan-sa-lahat. Paanong makakaiwas maging ang mga naroon sa pinakamalalayong sulok ng mundo sa pagsisiyasat ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y inilalantad ang pangit na larawan ng lahat ng tao, at inilalantad ang pinaka-malalalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumubsob sa Aking pagsisiyasat. Ngunit kahit ang tao ay sumubsob, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi naghahangad sa Akin bunga ng Aking mga salita? Kanino hindi isinilang ang mga damdamin ng katapatan dahil sa Aking pag-ibig? Dahil sa kasamaan ni Satanas kaya ang tao ay hindi kayang makaabot sa kaharian ayon sa inaatas Ko. Kahit na ang pinaka-mababababang pamantayang inaatas Ko ay nagdudulot ng mga pag-aalinlangan sa kanya, huwag nang banggitin ang ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay dumadaluhong at mapaniil na parang baliw, o ang panahong ang tao ay masyadong nayuyurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay natatakpan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bunga ng kanyang kabuktutan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay sumasalungat sa Akin, siya ay Aking kinakastigo; kapag ang tao ay Aking inililigtas at binubuhay-muli mula sa mga patay, siya ay pinakakain Ko nang lubos na pangangalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako at nakakamtan Ko, paano Ako hindi maluluwalhati? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko napapamahalaan at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at walang kibo, at, sa Aking likuran, sila ay nakikibahagi sa mga “kapuri-puring” mapandayang transaksyon. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking isinuot sa Sarili Ko, ay walang alam sa iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, gaano mang pagdurusa ang danasin hindi magagawang mawalan ng pag-asa sa Akin ang taong nasa katawan, lalong hindi maaaring magdulot ang anumang katamisan sa taong nasa katawan na maging malamig, nanlulumo, o mapag-bale-wala tungo sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang pasakit o walang katamisan?