Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Agosto 30, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Matagal na panahon ng Pagtakas (6)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Matagal na panahon ng Pagtakas (6)

Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan.

Agosto 29, 2018

Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - Paano Magpapakita at Isasagawa ng Panginoon ang Gawain Niya sa Kanyang Pagbabalik?

Jesus,Mga Video,Movie Clips

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - Paano Magpapakita at Isasagawa ng Panginoon ang Gawain Niya sa Kanyang Pagbabalik?

Ang pangitain ng malaking kalamidad sa mga huling araw-apat na blood moon ay naganap at ang mga bituin sa kalangitan ay nagkaroon ng isang kakaibang hitsura; malapit na ang malaking sakuna, at marami sa mga may pananampalataya sa Panginoon ang nakaramdam ng Kanyang ikalawang pagbabalik o na Siya ay dumating na.

Agosto 28, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos

Mga Himno,panalangin,Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos

I
Ang pusong tunay na tahimik sa harap ng Diyos
ay di magagambala ng anuman sa mundo,
kahit ng tao, pangyayari o bagay;
maging tahimik sa harap ng Diyos.
Lahat ng negatibo'y nawawala,
ito ma’y pagkaintindi o masamang isip,
pilosopiya, maling ugnayan sa tao;
pumayapa sa harap ng Diyos.
Tumahimik sa harap Niya, namnamin ang Kanyang salita,
umawit ng himno at purihin ang Kanyang pangalan.
Bigyan mo Siya ng pagkakataong gumawa sa'yo;
gusto Niya'y maperpekto ka.
Sumunod sa gabay ng Banal na Espiritu
at mamuhay sa harap ng Diyos,
sa gayon mabibigyang-kaluguran mo Siya.
Maging tahimik sa harap Niya.

Agosto 26, 2018

Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan


Sabi ng mga Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21). Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na, sa araw na ito, ginawa ng Diyos ang mga nilalang sa mga katubigan, at ang mga ibon ng himpapawid, ibig sabihin ay Kanyang ginawa ang iba’t-ibang isda at ibon, at inuri ang mga ito ayon sa klase. Sa ganitong paraan, pinasagana ng paglikha ng Diyos ang lupa, kalangitan, at mga katubigan…

Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, isang sariwang bagong buhay, na ang bawat isa ay may iba’t-ibang anyo, ang agad na nabuhay habang binibigkas ang mga salita ng Maylalang. Dumating sila sa mundong ito na nakikipaggitgitan sa posisyon, nagtatalunan, nagkakatuwaan sa galak…. Lumangoy sa mga katubigan ang mga isda na may iba’t-ibang hugis at sukat, lumabas sa mga buhangin ang iba’t-ibang klase ng kabibe, ang may kaliskis, may talukab, at walang gulugod na mga nilalang ay nagmamadaling lumaki sa mga iba’t-ibang anyo, kahit pa malaki o maliit, mahaba o maikli. Gayun din nagsimulang lumaki nang mabilis ang mga iba’t-ibang klase ng halamang-dagat, sumasabay sa galaw ng iba’t-ibang mga nabubuhay sa tubig, umaalun-alon, hinihimok ang mga kalmadong katubigan, na para bang sinasabi sa kanila: Galawin mo ang paa mo! Isama mo ang mga kaibigan mo!

Agosto 23, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao.

Agosto 22, 2018

Napakagandang Tinig "Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakagandang Tinig | "Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"

Maraming tao sa mga relihiyon ang sumusunod sa propesiya na bababa ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hinihintay nilang dumating Siya sa gayong paraan para dalhin sila sa kaharian ng langit, pero nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoon na paparito Siya nang lihim: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kaya paano natupad ang mga propesiyang ito tungkol sa pagbalik ng Panginoon? At paano tayo dapat maging matatalinong birhen na sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon?

Agosto 21, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

"Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika.

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo: Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang sekta at denominasyon sa iba’t ibang relihiyon, nawala ang orihinal na pananampalataya at pagmamahal ng mga tao people at lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Nakikita rin namin ang panlalata ng espiritu at nadarama namin na wala kaming maipangaral at na nawala sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Pakisabi sa amin, bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos at iwinaksi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng Diyos sa iba’t ibang relihiyon sa Aklat ng Pahayag?

Ebanghelyo, relihiyon, Diyos, Kaharian, Biblia


Sagot:

  Ang pagpapakita at gawain ng Diyos para sa mga huling araw ay katulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus, na hinati sa lihim na pagdating at hayagang pagdating. Tinutukoy ng lihim na pagdating ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao, sa gitna ng mga tao, upang ipahayag ang Kanyang tinig at ang Kanyang mga salita, gawin ang Kanyang gawain para sa mga huling araw, at ito ang lihim na pagdating. Para sa hayagang pagdating, darating ang Panginoon nang hayagan sa mga ulap, ibig sabihin, darating ang Panginoon kasama ang libu-libong santo, upang makita ng lahat ng bansa at ng lahat ng tao. Kapag tayo ay sumasaksi sa gawain ng paghatol ng Diyos para sa mga huling araw, maraming tao ang may pag-aalinlangan: “Sinasabi ninyo na nagpakita ang Diyos at Siya ay gumawa, paanong hindi namin ito nakita? Kailan ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig? Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig? Mayroon bang nagtala kung ano ang sinabi ng Diyos nang sinasabi Niya ang mga ito? O direkta bang dinala ng Diyos ang mga salitang iyon sa atin? Bakit ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig sa inyo? Paanong hindi namin narinig ang Kanyang tinig? Paanong hindi namin nakita?” Mabuti ba ang mga tanong na ito? Medyo mabuti ang mga tanong na ito. ... Nagpakita ang Diyos sa China sa Silangan, ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at gumagawa sa imahe ng nagkatawang-tao na Anak ng tao, at walang kahima-himala. Nagpapakita ang Diyos bilang karaniwang laman, ang Kanyang hitsura ay tulad ng isang karaniwang tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at mga gawain sa atin. Mayroon bang anumang kahima-himala tungkol sa lahat ng ito? Walang kahit anong kahima-himala. Sinasabi ng isang tao: “Kung ito ay hindi man katiting na kahima-himala, Siya ba ay Diyos o hindi? Kung nagpapakita at gumagawa ang Diyos, dapat ay kahima-himala ang Kanyang pagpapakita at gawain.” Hayaan mong tanungin kita, ang Panginoong Jesus na pinaniniwalaan mo sa iyong relihiyon, Siya ba ay kahima-himala nang Siya ay gumawa? Nang Siya ay nakikipag-usap kay Pedro, nakita ba ng iba? Nakita ba ng mga tao na nasa kung saan? Nang Siya ay nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan sa isang lugar, nakikita ba ng ibang tao mula sa ibang mga lugar? Hindi. Bakit hindi nila nagawa? Dahil ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang tao bilang Anak ng tao, at ang Kanyang gawain at ang Kanyang mga salita ay hindi kahima-himala; bukod sa Kanyang mga pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, walang kahit anong kahima-himala. Samakatuwid, walang sinuman mula sa ibang lugar ang nakarinig ng Kanyang mga salita at nakakita ng Kanyang gawa, habang tanging yaong mga nasa Kanyang tabi ang nakakita, nakarinig, at nakaranas ng mga ito. Ito ang tunay at karaniwang aspeto ng gawain ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ngayon? Samakatuwid, hindi alam ng ibang mga relihiyon, ng ibang mga iglesia, at ng ibang mga sekta ang gawain ng Diyos na ginawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa China. Bakit hindi nila alam? Hindi gumagawa ang Diyos sa mga kahima-himalang paraan. Tanging yaong mga taong siyang ginawan Niya ng Kanyang gawain ang nakakita, ang nakarinig; yaong mga taong hindi Niya ginawan ng Kanyang gawain ay hindi nakarinig. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa mga taong Hudyo, tayo ba, mga taong Intsik, ay nagawang makita, marinig? Ang mga Briton at mga Amerikano sa Kanluran ay nagawa bang makita at marinig? Hindi. Bakit ang mga taga-Kanluran at ang mga Oriental Chinese sa huli ay natanggap ang gawain ng Panginoong Jesus? Iyan ay dahil mayroong isang tao na sumaksi, mayroong isang tao na nagpalaganap ng ebanghelyo sa atin, at nagbigay sa atin ng Biblia na ito na nagtala ng mga salita ng Panginoong Jesus at ang gawain ng Panginoong Jesus. Nang magdasal tayo sa Panginoong Jesus, dapat gawin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, at dapat kasama natin ang Banal na Espiritu, at pagpalain tayo ng biyaya, sa gayon tayo ay naniwala na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos at ang Tagapagligtas. Hindi ba’t ganito kung paano tayo naniwala? Ganito kung paano tayo naniwala. Sinasabi ng mga taga-Kanluran na “Nagpakita at gumawa ang Diyos sa China, paanong hindi natin nalaman? Paanong hindi natin nakita at narinig?” Maipaliliwanag ba ang tanong na ito? Oo, maipaliliwanag ito.

Agosto 20, 2018

Pag-ibig ng Diyos ang Pinakatunay

Diyos, kaligtasan, pag-ibig, Kapalaran, katotohanan

🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺






I
Ang gawaing panlulupig ng Diyos sa inyo,
ay gayong dakilang kaligtasan.
Bawa't isa sa inyo ay puno ng kasalanan at kahalayan.
Ngayon nakikita ninyo ang Diyos nang harapan.
Siya'y nagkakastigo't humahatol.
Nakukuha ninyo ang Kanyang dakilang kaligtasan.
Natatanggap ninyo pinakadakila Niyang pag-ibig.
Lahat ng ginagawa ng Diyos ay mula sa Kanyang pag-ibig.
Hinahatulan Niya ang inyong mga kasalanan.
Kaya siyasatin ninyo ang inyong sarili.
Kaya ang inyong kaligtasan ay natatamo.
Lahat ng ginagawa ng Diyos ay mula sa Kanyang pag-ibig.
Hinahatulan Niya ang inyong mga kasalanan.
Kaya siyasatin ninyo ang inyong sarili.
Kaya ang inyong kaligtasan ay natatamo.

Agosto 19, 2018

May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?





Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.


Manood ng higit pa:


Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?




Agosto 18, 2018

Latest Christian Full Movie 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)



▬▬▬▬▬▬▬۩ ۩▬▬▬▬▬▬▬▬


Si Kim Yeongrok ay isang masipag na pastor sa relihiyosong komunidad ng Korea. Dahil uhaw sa katotohanan, buong kasabikan niyang inantabayanan ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Isang araw noong 2013, nabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Chosun Ilbo. Ang mga salitang ito, na puno ng kapangyarihan, ay nagkaroon ng agarang epekto sa kanya, at talagang naantig siya. Upang makatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas na matagal niyang hinintay, sinimulan niyang hanapin at siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. … Habang isa-isa niyang nalulutas ang bawat pagdududa sa kanyang puso, talagang napakasaya ni Kim Yeongrok kaya sinimulan niyang magpatirapa: ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Tahimik siyang dumating sa atin at matagal nang ginagawa ang paghatol simula sa bahay ng Diyos!  

Manood ng higit pa:

Ano Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?

════════════.❋.═════════════


Agosto 17, 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw




🍀🌸🌱━🍀🌸🌱━🍀🌸🌱━🍀🌸🌱━🍀🌸🌱━🍀🌸🌱━🍀🌸🌱


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha......Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas."

Karagdagang informasiyon:

Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus

Agosto 16, 2018

Kailangang maunawaan ng isang tao na ang mensaheng ipinalalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang tanging daan tungo sa pagsisisi.

Ebanghelyo, panalangin, Diyos, Kaharian, Biblia



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

  “Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

  “At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).

Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Agosto 15, 2018

Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang




I
Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay,
nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin,
ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan.
Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita;
nagsisimula tayong tumuon sa tono
at paraan ng Kanyang pagsasalita,
at maging kusa na pakinggan
ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito.

Agosto 14, 2018

Basagin Ang Sumpa (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?



🍀🍒━🍀🍒━🍀🍒━🍀🍒━🍀🍒━🍀🍒━🍀🍒


Naniniwala ang ilang mga mananampalataya na pinili at hinirang ng Panginoon ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, at lahat sila’y mga taong naninilbihan sa Panginoon. Kaya naniniwala sila na ang pagsunod lamang sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Panginoon, at ang pagsalungat o paghatol sa mga pastor at elder ay pagsalungat sa Panginoon. Naniniwala pati sila na, sa mga iglesia, tanging mga pastor at elder lamang ang nakakaunawa sa Biblia at kayang ipaliwanag ang Biblia, at basta't naaayon sa Biblia at batay sa Biblia ang ipinapangaral o ginagawa ng mga pastor at elder, dapat silang talimahin at sundin ng mga tao kung gayon. Naaayon ba sa katotohanan ang ganitong uri ng pagsunod sa mga pastor at elder? Kinakatawan ba ng pag-unawa sa kaalaman sa Biblia ang pag-unawa sa katotohanan at kaalaman sa Diyos? Anong pamamaraan ba talaga ang dapat nating gamitin sa mga pastor at elder na tumatalima sa kalooban ng Diyos?

Rekomendasyon:

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Agosto 13, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot"




▬▬▬▬▬▬▬ ▬▬▬▬▬▬▬▬


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sinasabi Ko sa inyo nang buong katotohanan: Ang Aking pagtitiis ay inihanda para sa inyong masasamang gawain, at ito ay umiiral para sa inyong pagkastigo sa araw na iyon. Hindi ba kayo ang mga magdurusa sa poot ng paghatol kapag naabot Ko ang katapusan ng Aking pagtitiis? Hindi ba ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko papayagang suwayin ninyo Ako nang ganito, sa ilalim ng kalangitan? Ang inyong mga buhay ay magiging napakahirap dahil nakatagpo ninyo ang Mesias, na nasabing Siyang darating, ngunit hindi nakarating kailanman. Hindi ba kayo ang Kanyang mga kaaway?"

Magrekomenda nang higit pa:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Mga Video

Kasama sa seksyon ng video ang mga ebanghelyong pelikula, mga kanta ng choir, mga resitasyon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mga himno, mga musikang video at iba pang mga video, dinadala ka para dumalo sa masaganang piging ng Kapanahunan ng Kaharian.
Panoorin itong mga hindi mapapabulaanan na mga kuwento ng mga lider mula sa iba’t-ibang sekta na nilulupig ng mga salita ng Diyos at tamasahin itong kahanga-hangang mga video ng mga piniling tao ng Diyos na kumakanta at sumasayaw sa papuri sa Kanya. Nawa ito’y maging isang magandang saliw sa buong araw mo!
Kaharian, katotohanan, buhay, salita-ng-Diyos, Diyos


Agosto 12, 2018

Best Tagalog Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Tagalog Dubbed)



Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit …. 
Tuwing iisipin niya kung sino siya noong araw, dinuduro ng mga alaala ang puso niya  na para bagang mga tinik …

Agosto 11, 2018

Ano ang ibig sabihin ng maligtas? Ano ang pagliligtas?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).
Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).

Agosto 10, 2018

Full Tagalog Christian Movie | "Napakagandang Tinig" The Word of the Holy Spirit to the Churches




Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig. Dahil sa kanyang gawain ng pangangaral, inaresto siya ng pulisya ng gobyerno ng Komunistang Tsino at ipinadala sa bilangguan kung saan naranasan niya ang kalupitan at pagpapahirap. Ang mga salita ng Panginoon ang gumabay sa kanya at natiis ang pitong taong di-makataong buhay sa bilangguan. Matapos makalaya, pinuntahan siya ng kanyang katrabahong si Chenguang at binasa sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sumasaksi na ang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Binigyan din siya nito ng kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Matapos basahin ang kaunting mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Dong Jingxin na ang mga ito ay makapangyarihan at nanggaling sa Diyos. Nagkaroon siya ng pusong nananabik maghanap. Gutum na gutom sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sina Dong Jingxin at ang kanyang asawa at natuklasang katotohanan ang lahat ng mga ito, tinig ng Diyos ang lahat ng mga ito. Natukoy nila na talagang pagbabalik ng Panginoong Jesus ang Makapangyarihang Diyos na ilang taon na nilang hinihintay! Habang ang dalawa ay nag-uumapaw sa tuwa ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, pinuntahan sila ng hepe ng pulisya upang balaan na huwag dumalo sa anumang pagtitipon o gumawa ng anumang pangaral. Binalaan niya sila na kailangan nilang iulat ang sinumang nangangaral ng Kidlat ng Silanganan, na nagpabalisa kay Dong Jingxin. Pagkatapos noon, nang malaman ng kanilang pastor na pinamumunuan ni Dong Jingxin ang mga kapatid na tingnan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, humadlang din siya at hinarangan sila. Nahaharap sa pagkalito at pagkagambala mula sa mga puwersa ni Satanas, nagagawang makita nang malinaw ni Dong Jingxin ang tunay na mukha ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo sa pamamagitan ng pagdarasal, paghahanap at pagbabahagi. Hindi siya sumuko, at nagpatuloy na pamunuan ang mga kapatid upang imbestigahan ang tunay na landas, at inimbitahan niya ang mga tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang magbahagi at sumaksi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa huli, kinilala ng lahat na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay talagang tinig ng Diyos, at Siya ang pagpapakita ng Diyos. Naantig ang damdamin ng lahat: Napakaganda ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos!

Agosto 9, 2018

Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)


Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na  panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito  mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Agosto 8, 2018

Latest Christian Full Movie HD 2018 | "Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)


  Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...

🌳🌳😇🌳💞🌳😇🌳🌳




Agosto 7, 2018

Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?


Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?

Rekomendasyon:

Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos