Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos ay iisa at pareho. Yaong mga sumailalim lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain ng Diyos ay hindi maaaring ituring na masunurin, at tiyak na wala rin naman sa mga hindi tunay na nagpailalim at mga nagpapakitang sunud-sunuran. Yaong mga tunay na sumailalim sa Diyos ay magagawang makinabang mula sa gawain at maabot ang pang-unawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang mga ganitong tao lamang ang tunay na sumailalim sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay magagawang magkamit ng bagong kaalaman mula sa mga bagong gawain at makararanas ng bagong mga pagbabago mula doon din. Tanging ang ganoong mga tao ang may pag-sang-ayon ng Diyos; ang ganitong uri ng tao lamang ang ginawang perpekto at sumailalim sa pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay ang mga masayang sumailalim sa Diyos, pati na rin sa Kanyang gawa at salita. Tanging ang ganitong uri ng tao ang nasa tama; tanging ang ganitong uri ng tao ang tunay na nagnanasa at naghahanap sa Diyos."
Hunyo 30, 2018
Hunyo 29, 2018
Tagalog Christian Worship Praise Songs 2018 | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan
I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.
Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.
Hunyo 28, 2018
Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)
╭✿╮∋∈✿∋∈✿∋∈✿∋∈✿∋∈★∈╭✿╮∋★∋∈✿∋∈✿∋∈✿∋∈✿╭✿╮
Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …
Hunyo 27, 2018
Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao
Ang bawa’t yugto ng gawaing ginagawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noong una, nang pumarito si Jesus, Siya ay lalaki, nguni’t sa pagkakataong ito Siya ay babae. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos ang kapwa lalaki at babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at sa Kanya ay walang pagkakaiba ang kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Niyang kunin ang anumang uri ng katawang-tao na gusto Niya at maaari Siyang katawanin ng katawang yaon. Maging lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos hangga’t ito ay Kanyang nagkatawang-taong lamán. Kung si Jesus ay nagpakita bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, ang ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang yugtong yaon ng gawain ay kapareho ding natapos. Kung gayon ang naging sitwasyon, ang kasalukuyang yugto ng gawain ay kailangan sanang kumpletuhin ng isang lalaki, nguni’t pareho pa ring makukumpleto ang gawain. Ang gawaing ginawa sa alinmang yugto ay parehong makabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain ni sumasalungat sa isa. Noon, nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, Siya ay tinawag na ang bugtong na Anak-na-lalaki, at tinutukoy ng “Anak-na-lalaki” ang kasariang lalaki. Kung gayon, bakit hindi nababanggit sa yugtong ito ang bugtong na Anak-na-lalaki? Ito ay dahil ang mga kinakailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago sa kasarian na iba mula roon kay Jesus. Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa kagustuhan Niya at sa paggawa ng Kanyang gawain wala Siya sa ilalim ng anumang mga pagbabawal, kundi natatanging malaya. Gayunpaman, ang bawa’t yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan. Dalawang beses na naging katawang-tao ang Diyos, at hindi na kailangang sabihin pa na ang pagkakatawang-tao Niya sa mga huling araw ang huling pagkakataon. Naparito Siya upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga gawa. Kung hindi Siya naging katawang-tao sa yugtong ito upang personal na gumawa para masaksihan ng tao, panghahawakan ng tao magpakailanman ang paniwalang lalaki lamang ang Diyos, hindi babae. Bago nito, naniwala ang buong sangkatauhan na maari lamang maging lalaki ang Diyos at hindi maaaring matawag ang isang babae na Diyos, sapagka’t itinuring ng buong sangkatauhan ang lalaki na may awtoridad sa itaas ng babae. Naniwala silang walang babae ang maaaring magkaroon ng awtoridad, kundi lalaki lamang. Higit pa rito, sinabi pa nila na lalaki ang ulo ng babae at dapat sumunod ang babae sa lalaki at hindi niya maaaring higitan ito. Sa nakaraan, nang sinabi na ang lalaki ang ulo ng babae, ito ay nakatuon kina Adan at Eva na nalinlang ng ahas, at hindi sa lalaki at babae na nilikha ni Jehova noong pasimula. Sabihin pa, dapat na sundin at mahalin ng isang babae ang kanyang asawa, tulad ng kailangang matutunan ng asawang lalaki na pakainin at suportahan ang kanyang pamilya. Mga batas at utos ito na itinatag ni Jehova na kailangang sundin ng sangkatauhan sa kanilang pamumuhay sa lupa. Sinabi ni Jehova sa babae, “at sa iyong asawa ay magnanais ang iyong kalooban, at siya'y mamumuno sa iyo.” Sinabi Niya lamang iyon upang ang sangkatauhan (na, parehong lalaki at babae) ay mamuhay nang normal na mga buhay sa ilalim ng pamamahala ni Jehova, at tanging upang ang mga buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng isang kayarian at hindi mawala sa kanilang wastong pagkakaayos. Samakatuwid, gumawa si Jehova ng angkop na mga alituntunin sa kung paano dapat kikilos ang lalaki at babae, nguni’t ito ay kaugnay lamang sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa lupa at walang kaugnayan sa nagkatawang-taong lamán ng Diyos. Paano magiging kapareho ng Diyos ang Kanyang sangnilikha? Ang mga salita Niya ay nakatuon lamang sa sangkatauhan ng Kanyang sangnilikha; itinatag Niya lamang ang mga alituntunin para sa lalaki at babae upang makapamuhay nang normal na mga buhay ang sangkatauhan. Noong pasimula, nang likhain ni Jehova ang sangkatauhan, gumawa Siya ng dalawang uri ng tao, parehong lalaki at babae; kaya’t ang Kanyang nagkatawang-taong laman ay napag-iba rin sa alinman sa lalaki o babae. Hindi Siya nagpasya sa Kanyang gawain batay sa mga salitang sinabi Niya kina Adan at Eva. Ang dalawang beses Niyang pagiging katawang-tao ay ganap na ipinasya ayon sa Kanyang kaisipan noong una Niyang likhain ang sangkatauhan, iyon ay, kinumpleto Niya ang gawain ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao batay sa lalaki at babae bago sila napásámâ. Kung kinuha ng sangkatauhan ang mga salitang sinabi ni Jehova kina Adan at Eva na nalinlang ng ahas at inilapat ito sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi ba dapat din na mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa gaya ng nararapat Niyang gawin? Sa ganitong paraan, magiging Diyos pa rin ba ang Diyos? At dahil ganito, makakaya pa rin ba Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali para sa nagkatawang-taong lamán ng Diyos ang maging babae, hindi ba magiging mali na rin sa pinakamalaking sukat na nalíkhâ ng Diyos ang babae? Kung iniisip pa rin ng tao na mali para sa Diyos ang magkatawang-tao bilang babae, kung gayon hindi ba si Jesus, na hindi nag-asawa at samakatuwid ay hindi maaaring magmahal sa Kanyang asawa, ay nasa kamalian din tulad ng kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang ginagamit mo ang mga salitang binigkas ni Jehova kay Eva upang sukatin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa kasalukuyan, dapat mong gamitin kung gayon ang mga salita ni Jehova kay Adan upang hatulan ang Panginoong Jesus na naging katawang-tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba pareho ang dalawang ito? Yamang sinusukat mo ang Panginoong Jesus batay sa lalaki na hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring hatulan kung gayon ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ngayon batay sa babae na nalinlang ng ahas. Magiging hindi patas ito! Kung ginawa mo ang gayong paghatol, patunay ito na wala ka sa katinuan. Nang dalawang beses na naging katawang-tao si Jehova, ang kasarian ng kanyang katawang-tao ay naugnay sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas; alinsunod ito sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas na dalawang beses Siyang nagkatawang-tao. Huwag isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay pareho sa Adan na nalinlang ng ahas. Ganap na wala silang kaugnayan, at ang dalawa ay mga lalaki na may magkaibang kalikasan. Tiyak na ang pagkalalaki ni Jesus ay hindi maaaring magpatunay na ulo lamang Siya ng lahat ng babae nguni’t hindi ng lahat ng lalaki? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng mga Judio (kasama ang parehong mga lalaki at babae)? Siya ay Diyos Mismo, hindi lamang ang ulo ng babae kundi ulo rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng nilalang at ulo ng lahat ng nilalang. Paano mo nagagawang tukuyin ang pagkalalaki ni Jesus bilang ang sagisag ng ulo ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay isang lalaki na hindi nadungisan ng kasamaan. Siya ay Diyos; Siya ang Cristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging isang lalaki na tulad ni Adan na pinásámâ? Si Jesus ang katawang-tao na isinuot ng pinakabanal na Espiritu ng Diyos. Paano mo nagagawang sabihin na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Sa ganyang sitwasyon, hindi ba magiging mali ang lahat ng gawain ng Diyos? Magagawa ba ni Jehova na isama sa loob ni Jesus ang pagkalalaki ni Adan na nalinlang? Hindi ba ang pagkakatawang-tao sa kasalukuyan ay isa pang pagkakataon ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na naiiba sa kasarian mula kay Jesus nguni’t katulad Niya sa kalikasan? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na hindi maaaring maging babae ang Diyos na nagkatawang-tao, dahil babae ang unang nalinlang ng ahas? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na, dahil ang babae ang pinakamarumi at ang pinagmulan ng kasamaan ng sangkatauhan, ang Diyos ay hindi maaaring maging katawang-tao bilang isang babae? Nangangahas ka bang magpumilit sa pagsasabi na “ang babae ay dapat laging sumunod sa lalaki at maaaring hindi kailanman maghayag o direktang kumatawan sa Diyos”? Hindi mo naunawaan sa nakaraan, nguni’t makapagpapatuloy ka ba ngayon sa paglapastangan sa gawain ng Diyos, lalo na sa nagkatawang-taong lamán ng Diyos? Kung hindi mo kayang makita ito nang may ganap na kalinawan, pinakamahusay na isaalang-alang mo ang iyong pananalita, upang hindi mabunyag ang iyong kahangalan at kamangmangan at malantad ang iyong kapangitan. Huwag mong isipin na nauunawaan mo ang lahat. Sinasabi ko sa iyo na ang lahat ng nakita at naranasan mo na ay hindi sapat para maunawaan mo kahit ang ika-sanlibong bahagi ng Aking plano ng pamamahala. Kaya bakit kung kumilos ka ay labis na mapagmataas? Ang kakapiranggot na talento at ang kakaunting kaalaman mo ay hindi sapat para gamitin ni Jesus sa kahit isang segundo lamang ng Kanyang gawain! Gaano ba talaga karami ang karanasan mo? Ang nakita mo at lahat ng narinig mo sa buong buhay mo at ang naguni-guni mo ay mas maliit kaysa sa gawain na ginagawa Ko sa isang saglit! Pinakamahusay na huwag kang mamintas at maghanap ng kamalian. Gaano ka man kaarogante, isa ka lamang nilalang na mas maliit pa sa langgam! Ang nakakarga mo sa iyong tiyan ay mas kaunti kaysa sa binubuhat ng langgam sa kanyang tiyan! Huwag isipin na, dahil nagkamit ka lamang ng ilang karanasan at pagiging-nauna sa tungkulin, ay may karapatan ka nang kumumpas nang magaspang at magmayabang. Hindi ba bunga ng mga salitang nabígkás Ko ang iyong karanasan at iyong pagiging-nauna? Naniniwala ka bang binili mo ang mga iyon sa pamamagitan ng sarili mong paggawa at pagsisikap? Ngayon, nakikita mong Ako ay naging katawang-tao, at dahil lamang dito ikaw ay napupuno ng gayon kayamang mga konsepto, at nakahirang ng hindi mabilang na mga paniwala mula sa mga iyon. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit pa may angkin kang hindi pangkaraniwang mga talento, hindi ka magkakaroon ng napakaraming mga konsepto; at hindi ba nagmumula sa mga ito ang mga paniwala mo? Kung hindi naging katawang-tao si Jesus sa unang pagkakataong iyan, malalaman mo ba ang tungkol sa pagkakatawang-tao? Hindi ba dahil binigyan ka ng unang pagkakatawang-tao ng kaalaman kaya walang-pakundangan mong sinusubukang hatulan ang ikalawang pagkakatawang-tao? Bakit, sa halip na maging masunuring tagasunod, ay isinasailalim mo ito sa pag-aaral? Kapag nakapasok ka tungo sa daloy na ito at lumapit sa harapan ng nagkatawang-taong Diyos, papayagan ka ba Niyang gumawa ng isang pag-aaral tungkol dito? Ayos lamang para sa iyo na pag-aralan ang kasaysayan ng sarili mong pamilya, nguni’t kung susubukan mong pag-aralan ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, papayagan ka ba ng Diyos ng kasalukuyan na isagawa ang naturang pag-aaral? Hindi ka ba bulag? Hindi mo ba hinahamak ang iyong sarili?
Hunyo 26, 2018
Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (7)
Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (7)
Alam ng lahat ng nananalig sa Panginoon na kung hindi sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, walang mananalig o sumusunod sa Panginoon. Bukod pa rito, hindi sana nagkaroon ng Kristiyanismo—gaano man katalino ang mga apostol, hindi maaaring sila ang lumikha sa iglesia. Gayundin, nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil lang sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Dahil iyan sa nagpahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at nagsibalik ang mga tao sa Diyos matapos marinig ang Kanyang tinig kaya nabuo ang iglesia. Pero sinisiraan ng gobyernong Chinese Communist ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinasabi na organisasyon ito ng tao. Ano ang kanilang masamang motibo?
Hunyo 25, 2018
"Red Re-Education sa Bahay" (6) | Itinuturing ng Chinese Communist Party na Isang Karaniwang Tao si Cristo. Saan Sila Nagkamali?
Nang maging tao ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, mukha siyang tao sa tingin, pero ginawa Niya ang gawain ng maipako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan. Sa mga huling araw, ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at nagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. ipinapakita nito ma amg Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay parehong si Cristo sa katawang-tao, at ang Diyos Mismo. Kaya bakit inilalarawan ng CCP ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos na karaniwang tao at tinatanggihan ang kabanalan ni Cristo? Hindi ba nakakatawa at nahihibang ang CCP?
Rekomendasyon:
Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos
Hunyo 24, 2018
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi)
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ” (Unang bahagi)
Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay nagmula sa Diyos. Anuman ang katayuan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo.
Hunyo 23, 2018
Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (3)
Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (3)
Mula nang hibang na pahirapan ng CCP ang mga Kristiyano at kailangan pa nilang makita kung pupuksain ito ng Diyos, maraming hindi naniwala na ang pagkalaban sa Diyos ay hahantong sa paghihiganti o parusa, at lalong hindi sila naniniwala na mayroong Diyos o na Siya ang namamahala. May batayan ba sa katotohanan ang pananaw na ito? Naaayon ba ito sa mga tunay na pangyayari sa gawain ng Diyos?
Hunyo 22, 2018
Mga Movie Clip | "Ang Panginoong Jesus ba ang Anak ng Diyos o ang Diyos Mismo?"
Malinaw na nakatala sa Biblia na ang Panginoong Jesus ang Cristo, na Siya ang Anak ng Diyos.Gayunman ang Kidlat sa Silanganan ay nagpapatotoo na ang Cristo na nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, na Siya ang Diyos Mismo. Kung gayon, ang Cristo ba na nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos? O Siya Mismo ang Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "'Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan'.... ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, 'Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,' nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).
Hunyo 21, 2018
Mga Movie Clip | "Pag-unawa sa Kahalagahan ng Dalawang Beses na Pagkakatawang-tao ng Diyos"
Mga Movie Clip | "Pag-unawa sa Kahalagahan ng Dalawang Beses na Pagkakatawang-tao ng Diyos"
Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ipinako sa krus, sa gayo'y winakasan ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol, lubusang inililigtas ang tao mula sa nasasakupan ni Satanas. Ang Diyos na dalawang beses na nagkatawang-tao ay may napakalaking kahalagahan, tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng 'ang Salita ay kasama ng Diyos': Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng laman at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng 'ang Salita ay nagkatawang-tao,' nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa 'ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos,' ..." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).
Hunyo 20, 2018
Mga Movie Clip | "Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?"
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus, taglay sa Kanyang Sarili ang mga kasalanan ng tao at kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, minsan pang nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at upang lubusang dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangan ng Diyos na dalawang beses na magkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. ... Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).
Hunyo 19, 2018
Tagalog Christian Movie | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Normal na Pagkatao ni Cristo at ng Pagkatao ng Tiwaling Sangkatauhan
Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Normal na Pagkatao ni Cristo at ng Pagkatao ng Tiwaling Sangkatauhan
Ang Diyos ay nagkakatawang-tao para iligtas ang tao at, mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapakita bilang karaniwang tao. Ngunit alam mo ba ang mahalagang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao at ng pagkatao ng tiwaling sangkatauhan? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. ... sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).
Hunyo 18, 2018
Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"
Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"
Hunyo 17, 2018
Mga Movie Clip | "Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?"
Mga Movie Clip | "Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?"
Sa paglipas ng mga siglo simula nang mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, tayong mga mananampalataya ay sabik na umaasam sa pagbabalik ni Jesus na Tagapagligtas. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ang espirituwal na katawan ng nabuhay na muling Jesus ang magpapakita sa atin kapag nagbalik ang Panginoon. Ngunit bakit nagpakita ang Diyos sa tao na nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw?
Hunyo 16, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa't Pagpapahayag Niya
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa't Pagpapahayag Niya
Ang diwa ni Cristo ay nalalaman sa
gawa't pagpapahayag Niya.
May isang pusong totoo, ginaganap Niya 'yong pinagkatiwala,
sinasamba ang Diyos sa langit
at hinahanap ang kalooban ng Ama.
Nalalaman 'to sa diwa't natural na pagbubunyag Niya.
Natural na pagpapahayag Niya'y hindi panggagaya,
o mula sa mga taong pag-aaral ng tao.
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.
Hunyo 15, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis
╭✿╮★╭✿╮★╭✿╮★╭✿╮★╭✿╮★╭✿╮★╭✿╮
Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka,
tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.
Hunyo 14, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pangangalaga ng Diyos ay Laging Kasama ng Sangkatauhan
I
Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay,
araw-araw, nagmamasid.
Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili,
tinitikman ang buhay ng tao,
Tinitingnan ang bawat gawa ng tao.
Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos?
Sino ang humabol kailanman sa katotohanan?
Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos,
iningatan ang mga pangako na ginawa,
at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos?
Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila?
Sino ang nagpahalaga sa Diyos
tulad ng kanilang sariling buhay?
Sino ang kailanman nakakita ng Kanyang ganap na pagka-Diyos,
o nahandang hipuin ang Diyos Mismo?
Kapag ang mga tao ay lumubog sa tubig,
inililigtas sila ng Diyos.
Kapag 'di nila kayang harapin ang buhay,
iniaangat sila ng Diyos
at binibigyan sila ng lakas ng loob upang mabuhay muli,
at binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon.
Upang Siya'y tatanggapin nila bilang kanilang pundasyon.
Kapag sumuway sila,
tinatanggap ng Diyos ang pagkakataong ito
upang ipakilala ang Kanyang Sarili sa kanila.
Hunyo 13, 2018
Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikatlong Bahagi)
*★*❀。:゚*☆*゚❀:。:*★*❀。:゚*☆*゚❀:。:*★*❀。:゚*☆*゚❀:。:*★❀
Tian Ying
Pagkatapos makabalik sa bahay, patuloy akong nag-iisip tungkol sa pagbabahagi na ginawa ng kapatid na babae, at naisip ko sa aking sarili: Ang maliit na kapatid na babae ngayong araw ay napakamapagmahal, siya ay hindi talaga tulad ng sinabi ng pastor na kung sino siya. Gayundin, ang kaniyang sinasabi ay talagang totoo, lahat ng iyon ay nasa Biblia. Ito ay talagang walang batayan sa akin noon nang naniwala ako na “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman.” Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng taon na naniwala ako sa Diyos at napagtanto na ako ay patuloy na namumuhay sa mga kinahihinatnan kung saan ako ay magkakasala at umaamin ng kasalanan para sa kanila ngunit sa lahat ng oras hindi ko ito malutas, at personal akong dumaan sa matinding paghihirap. Hindi talaga ito ang paraan upang matamo ang papuri ng Diyos. Ito ay tila kung nais kong matamo ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan ko talagang matanggap lahat ng gawain na isinagawa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus na humahatol at naglilinis sa tao. Kung kaya, ano ba talaga ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Paano nakakapaglinis at nakakapagpabago ng tao ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos? ... Habang iniisip ko ang mga bagay na ito binubuklat ko ang Biblia hanggang nakita ko ang talata kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus na: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili’ kundi ang anomang nagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipapahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Nakita ko rin na sinabi ng Biblia: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1Pedro 4:17). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:29). Nang mabasa ko ito naramdaman ko sa wakas na para akong nagising mula sa isang panaginip: Lumalabas na matagal na palang ihinula ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw ang Diyos ay magpapahayag ng mas marami tungkol sa katotohanan at magsasagawa ng bagong yugto ng gawain. Hindi ba ito ang Makapangyarihang Diyos na dumadating upang magsagawa ng gawain ng paghahatol at paglilinis sa tao? Aba! Kung ang pastor ay hindi dumating at inabala ako ngayong araw makakapakinig ako nang mas mabuti tungkol sa paraan ng Makapangyarihang Diyos. Noon nakapakinig ako palagi ng mga salita ng mga pastor at nakatatanda, ngunit hindi ako nagkaroon ng puso upang hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nakinig lamang ako sa anumang pinag-usapan ng mga pastor at mga nakatatanda. Ngayong araw lang nangyari na nabatid ko na ito ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa aking pananampalataya sa Panginoon! Tayo na naniniwala sa Panginoon ay kailangan na aktibong hanapin ang mga yapak ng Diyos, sa ganitong paraan lang tayo aayon sa kalooban ng Diyos. Ngayong araw nakita ko na ang mga kilos ng pastor ay karaniwang hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ko na kaya na takip-matang makinig sa kung ano ang sasabihin nila, kailangan kong hanapin at usisain ang paraan ng Makapangyarihang Diyos.
Hunyo 12, 2018
Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikalawang Bahagi)
✿ .•*¨*•.¸¸ ✿❀*¨*•.¸¸✿❀ .•*¨*•.¸¸ ✿❀*¨*•.¸¸✿
Tian Ying
Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na ang misteryo ng ‘pagiging ligtas’ at ‘pagtamo ng ganap na kaligtasan,’ kaya tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ano ang masasabi Niya tungkol dito. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabing: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Hunyo 11, 2018
Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)
❥✿❀.•*¨✿❀*•.¸¸ღ .•*✿❀¨*•.¸¸ ღ.•*✿❀¨*•.¸¸ღ.•*¨❀✿•.¸¸¸❀✿❥
Tian Ying
Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.
Hunyo 10, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Nalinis lang ang Makakapasok sa Kapahingahan
I
Ang sangkatauhan ng hinaharap,
kahit nagmula kay Adan at Eba,
di na mabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas,
bagkus lahi ng nailigtas, ng nalinis.
Ito'y sangkatauhan na kinastigo't hinatulan,
sangkatauhan na pinabanal.
Iba sila sa sinaunang lahi, sa sinaunang lahi nina Adan at Eba,
ibang-iba na halos isang ganap na bagong lahi.
Pinili mula sa mga tiniwali ni Satanas,
nakatayo nang matatag sa huling paghatol,
itong nalalabing grupo,
kasama ng Diyos, ang makakapasok sa huling kapahingahan.
Hunyo 9, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan
I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.
Hunyo 8, 2018
Yaong Ililigtas ng Diyos ay Kauna-unahan sa kanyang Puso
I
Gaano kahalaga ang gawaing pagliligtas ng Diyos,
mas mahalaga kaysa sa lahat
ng iba pang mga bagay sa Kanya.
Kasama ng tinalagang plano at kalooban,
'di lamang pag-iisip at mga salita,
ginagawa Niya ang lahat
para sa buong sangkatauhan.
O kung gaano ito kahalaga,
ang gawain ng pagliligtas ng Diyos,
para sa tao at sa sarili Niya.
Kahit gaanong kaabala ang Diyos,
anong pagsisikap ang ginagawa Niya.
Pinamamahalaan Niya ang Kanyang gawain,
pinamumunuan Niya ang lahat ng mga bagay,
ang lahat ng mga tao.
Nang hindi pa nakita, sa malaking halaga.
Sa Kanyang gawain,
inihahayag ng Diyos sa tao ng unti-unti
kung ano at mayroon ang Diyos,
ang halaga na binayaran Niya,
karunungan, kapangyarihan,
lahat ng Kanyang disposisyon.
Hindi mahalaga kung gaano kahirap ang gawain,
anuman ang mga hadlang,
gaano man kahirap at mapanghimagsik ang tao,
walang makakahinto sa Diyos,
walang gaanong mahirap.
Hunyo 7, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos
I
Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang iyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan ka ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa'yo na tumbasan mo rin ito.
Hunyo 6, 2018
"Red Re-Education sa Bahay" (5) | Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?
Ang karaniwang kaalaman na ang Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodox Church ay pawang mga relihiyon na nananalig sa Panginoong Jesucristo. Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Cristo ng mga huling araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang iglesia ni Cristo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bahagi rin ng Kristiyanismo. Kaya bakit ikinakaila ng Chinese Communist Party na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesiang Kristiyano? Ano ba talaga ang Kristiyanismo?
Hunyo 5, 2018
Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (4)
Sabi ng Panginoong Jesus, "Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal" (Marcos 16:15). Ang pagkakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay isang mabuti at matuwid na gawa ng mga Kristiyano. Ngunit malupit na inaaresto at pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang mga Kristiyano, na humantong sa pagkasira ng maraming pamilya, ang ilan ay wala nang tahanang maaaring balikan, at maraming naaresto at nakulong. Ang ilan ay pinahirapan pa hanggang sa mamatay, pero patuloy na binaligtad ng CCP ang katotohanan, na sinasabi na nasira ang kanilang pamilya dahil sa kanilang pananalig sa Diyos. sino ang tunay na salarin sa pagkasira ng napakaraming pamilyang mga Kristiyano?
Hunyo 4, 2018
Tagalog Christian Songs | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas
Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya,
tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya,
S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya.
Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha.
Kahit nakakamit ang gawang paglupig sa
pag-aalis ng inaasam ng tao,
sa katapusan, tao'y madadala pa rin sa,
wastong hantungang handa ng Diyos para sa kanya.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)