Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pebrero 27, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Alam Mo ba ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Pantaong Tadhana?

katotohanan, Buhay, Jesus, iglesia, kalooban



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Alam Mo ba ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Pantaong Tadhana?

I
Pa'no dapat alami't tingnan ng tao
ang awtoridad, soberanya ng Diyos sa tadhana ng tao?
Problemang 'to'y kaharap lahat ng tao.
Pag nakaharap mga problema sa buhay mo,
pa'no mo matikma't maarok soberanya't awtoridad ng Diyos?
Pag 'di mo alam kung p'ano intindihin,
hawaka't maranasan ang mga problemang 'to,
anong saloobin dapat mong 'pakita
yong kalooba't nais na sundin soberanyang plano ng Diyos?
Dapat kang maghintay sa tiyempo ng Diyos,
sa mga tao, pangyayari't bagay na inayos ng Diyos,
naghihintay sa Kanyang kalooban
na unti-unting mabunyag mismo sa 'yo.
Dapat kang maghanap sa mga tao't bagay
upang makita ga'no kabait mga layon ng Diyos,
unawain ang Kanyang katotohana't
mga paraan na dapat mong panatilihin,
unawain mga bunga't katuparang nais N'yang makamit sa mga tao.

Pebrero 26, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi)

  Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala.

Massimo Introvigne: The Church of Almighty God Is a Typical Victim of Black Propaganda and Fake News


Massimo Introvigne: The Church of Almighty God Is a Typical Victim of Black Propaganda and Fake News

  Professor Massimo Introvigne, the founder and director of Center for Studies on New Religions and the chairman of Italy's Observatory of Religious Liberty, spoke at the international conference on Religious Persecution and the Human Rights of Refugees held in Seoul, South Korea on October 23, 2017. He said that the Christians in The Church of Almighty God have been subjected to clear and flagrant religious persecution, and even torture.

Pebrero 24, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Misteryo ng Kabanalan | Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Misteryo ng Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)


Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos.

Pebrero 23, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Misteryo ng Kabanalan | Clip ng Pelikulang (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay" 


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Ang Misteryo ng Kabanalan | Clip ng Pelikulang (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay"


  Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa nagpapatotoo na si "Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay." Bakit sinasabi na si Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa Panginoong Jesus ay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang aspetong ito?

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

iglesia, Jesus, Biblia, Langit, panalangin


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

  Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, nakakainggit ang inyong pananampalataya, ngunit natatanto ba ninyo na nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-makatarungan? Alam Ko na napakamataimtim at napakamatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ninyo nauunawaan ang tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paano ko hindi mauunawaan si Jesus? Huwag na nating intindihin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng damit na gusto Niyang isuot. Hinahamak Mo ba ako kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at pagsamahan ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang katotohanan, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?

Pebrero 21, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

sakripisyo, Cristo, pananampalataya sa Diyos, ebanghelyo, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


  Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.

Pebrero 20, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

takot sa Diyos, pagkamatuwid, nagdarasal, tinig, katotohanan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.


  Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. … “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay pinasama ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring humahatol sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.

Pebrero 19, 2018

Ang Misteryo ng Kabanalan | Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw (4)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Misteryo ng KabanalanTanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw (4)


  Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao? Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at gawin Niya ito mismo?

Pebrero 18, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Makabuluhan ang Buhay Natin


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tagalog na Cristianong Papuring Kanta  |  Makabuluhan ang Buhay Natin 

Buhay nati'y makabuluhan. Buhay nati'y makabuluhan.
Ngayo'y nakakatagpo natin ang Diyos, gawain Niya'y nararanasan.
Nakilala Siya sa katawang-tao, praktikal at totoo.
Nakita natin ang kahanga-hanga't nakakamanghang gawain Niya.

Pebrero 17, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (3) | "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos"


  Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito?

Pebrero 16, 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Ang Pag  kakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)

  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang.

Pebrero 15, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol 

I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal, 
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Pebrero 14, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

lahat ng bagay, pagkamatuwid, ebanghelyo, Kaligtasan, buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang
  
  Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga anak, iyong bumubuo sa mga tao, at iyong mga nagbibigay serbisyo. Pinaghiwa-hiwalay Ko sila sa iba’t ibang kategorya alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag napagbukud-bukod na ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naipahayag, Aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang naaangkop na lugar sa gayon ay maaari Kong matupad ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, tinatawag Ko ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay pinapayagan Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay ginagantimpalaan o pinarurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga gawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.

Pebrero 13, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)

  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang.

Pebrero 12, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo

tumalima, buhay, Kaligtasan, ebanghelyo, Cristo



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Pag-bigkas ng Diyos  |  Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo

  Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking ipinahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao at Ako ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang tiwali, ay nananahan lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit sila lahat ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Naghahanap sila araw-araw ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong naghahanap ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang “mga kasulatan.” Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alit sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga “kasulatan” nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay ipinagpaunang sinabi ng Kasulatan. Naglalakip sila ng labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang sumpain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi sumusunod sa Biblia ay, nang walang itinatangi, hindi Ko gawa. Hindi ba ang mga gayong mga tao ay ang masunuring inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Hudyong Pariseo ang mga batas ni Moises upang batikusin si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang buong sikap, hanggang sa ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi ang pagiging Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi inuunawa ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong maigting na sumusunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniniwala sa Biblia. Sa kalikasan, sila ang tagapagbantay ng Biblia. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Biblia, at pagtibayin ang dignidad ng Biblia, at panatilihin ang reputasyon ng Biblia, ipinako nila ang mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang isumpa si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat isang salita ng Kasulatan?

Pebrero 11, 2018

Xie Jiao, a Concept Manipulated to Attack The Church of Almighty God in HK - Massimo Introvigne




  A Manipulative Concept: Xie Jiao - Massimo Introvigne From November 20 to November 21, 2017, Ta Kung Pao and Wen Wei Po, two mouthpieces of the Chinese Communist Party in Hong Kong, released 17 reports intensively to attack  The Church of Almighty God, all in a span of two days. These reports cited the rumors and fallacies the CCP always uses to slander and condemn The Church of Almighty God, among which “cult” is the word of the highest frequency. As to this word the CCP uses to condemn the church, Professor Massimo Introvigne, a sociologist from Italy, the founder and director of the Center for Studies on New Religions, who has attended two international anti-cult academic conferences held by the CCP, will make his remarks in this episode.

Pebrero 10, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Panalangin ng Bayan ng Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos

Bayan ng Diyos itinanyag sa Kanyang trono, 
puno ng dalangin sa puso.
Pinagpapala ng Diyos lahat ng nagbabalik-loob sa Kanya; 
sila'y buhay sa liwanag.
Hilingin sa Banal na Espiritu na salita ng Diyos liwanagin 
nang lubos nating malaman ang kalooban ng Diyos.
Nawa'y buong baya'y mahalin ang salita ng Diyos 
at sikaping kilalanin ang Diyos.
Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng higit na biyaya, 
nang ating disposisyo'y mabago.
Nawa'y gawin tayong perpekto 
upang lubos na isa sa Kanya sa puso't isipan.
Nawa'y disiplinahin tayo ng Diyos 
upang tungkulin sa Kanya'y ating matugunan.
Nawa'y bawat araw gabayan tayo ng Banal na Espiritu 
sa pangangaral at pagsaksi sa Diyos araw-araw.

Pebrero 9, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos







Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos

I
Sangkatauhan, na namumuhay sa lahat ng bagay,
ay tiniwali at nalinlang ni Satanas,
ngunit di pa rin n'ya makakayang wala ang tubig na ginawa ng Diyos,
at ang hangin at lahat ng mga bagay na likha ng Diyos.
Ang sangkatauhan ay nabubuhay pa at nagpapalaganap
sa puwang na ito na nilikha ng Diyos.

Pebrero 8, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Kaligtasan, buhay, katotohanan, Ebanghelyo, kalooban

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Baixue    Shenyang City

  Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

Pebrero 7, 2018

Ang Misteryo ng Kabanalan | Clip ng Pelikulang (2) | "Magbibigay ba ang Panginoon ng Pagbubunyag sa Tao sa Pagbabalik Niya?"



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Clip ng Pelikulang (2) | "Magbibigay ba ang Panginoon ng Pagbubunyag sa Tao sa Pagbabalik Niya?"


  Maraming mga pastor at mga elder ng relihiyon, dahil maraming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, ang palaging masipag na gumagawa para sa Panginoon at nananatiling mapagmasid, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, naniniwala sila na sa pagdating ng Panginoon tiyak na magbibigay Siya sa kanila ng pagbubunyag. Ang pananaw bang ito ay umaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Tiyak bang magbibigay ng pagbubunyag ang Diyos sa tao kapag Siya ay nagkatawang-tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga paghahayag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?"(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pebrero 6, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (1) | "Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao"

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (1) | "Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao"


  Sa pagsasalita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, sinabi ng Panginoong Jesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). " Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25).

Pebrero 5, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

katotohanan, pananampalataya sa Diyos, Kaligtasan, buhay, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

  Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya.

Pebrero 4, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tagalog na Cristianong Kanta |  Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana, 
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.

Pebrero 3, 2018

Willy Fautré: South Korea Should Give Refugee Status to Asylum Seekers of The Church of Almighty God


Willy Fautré: South Korea Should Give Refugee Status to Asylum Seekers of The Church of Almighty God

  Willy Fautré: South Korea is a democratic country, like all the members of the European Union, like the United States and many others. So, they should abide by international law. They have signed and ratified a number of international standards. And, they should not send back those 150 people of The Church of Almighty God to China. I think they want to be blind and to be deaf, not to see and not to hear anything that is written and spread around about the situation of The Church of Almighty God. We’ve already sent a message to the South Korean authorities, saying, “Please don’t send them back to China, or you’ll send them to jail, or maybe death.”

Pebrero 2, 2018

Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

 Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

  Ang gawain sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dadalhin ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang katapusan, sa panahon ng Diyos Mismo. Gayunman, bago dumating ang panahon ng Diyos Mismo, ang gawain na ninanais gawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa mga buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa Kanyang luklukan. Lahat ng mga nagsisunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa luklukan ng Diyos, kaya lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang dadalisayin ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang hahatulan ng Diyos.

Pebrero 1, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

karunungan, Langit, katotohanan, buhay, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

  Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, nakágáwâ ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, nakágáwâ ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay nakágáwâ ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.