Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi)
Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala.
Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.
Ang Diyos ay buo ang kapasyahan na gawing ganap ang tao. Saanmang pananaw nagmumula ang Kanyang sinasabi, lahat ito ay para sa kapakanan ng paggawang perpekto sa mga taong ito. Ang mga salitang nasambit mula sa pananaw ng Espiritu ay mahirap para sa tao na maunawaan, at ang tao ay hindi makasumpong ng paraan ng pagsasagawa, dahil ang tao ay may hangganan ang kakayahan sa pagtanggap. Ang gawain ng Diyos ay nagkakamit ng iba’t-ibang mga bunga, at bawa’t hakbang ng gawain ay may Kanyang layunin. Higit pa rito, Siya ay dapat magsalita mula sa iba’t-ibang mga pananaw upang gawing perpekto ang tao. Kung binigkas Niya ang Kanyang salita mula sa pananaw ng Espiritu lamang, ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay hindi matatapos. Mula sa himig ng Kanyang tinig, makikita mong Siya ay buo-ang-kapasyahang gawing ganap ang kalipunang ito ng tao. Bilang isang naghahangad na magawang perpekto ng Diyos, ano ang unang hakbang na nararapat mong gawin? Dapat mo munang malaman ang gawain ng Diyos. Dahil gumagamit na ng mga bagong paraan at ang kapanahunan ay nagbago na mula sa isa tungo sa isa pa, ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos ay nagbago na rin, gayundin kung papaano Siya nagsasalita. Ngayon, hindi lamang ang paraan ng Kanyang paggawa ang nabago, gayundin ang kapanahunan. Ito ay dating Kapanahunan ng Kaharian, isang yugto ng gawain kung saan mamahalin ang Diyos. Ngayon, ito ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian—ang Kapanahunan ng Salita—iyon ay, isang kapanahunan kung saan ang Diyos ay gumagamit ng maraming paraan ng pananalita upang gawing perpekto ang tao at nagsasalita mula sa iba’t-ibang mga pananaw upang tustusan ang tao. Sa sandaling ang mga panahon ay pumasok sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, nagsimulang gamitin ng Diyos ang salita upang gawing perpekto ang tao, binibigyang-kakayahan ang tao na makapasok sa katunayan ng buhay at inaakay ang tao sa tamang landas. Nakaranas ang tao ng napakaraming hakbang ng Kanyang gawain at nakita na ang gawain ng Diyos ay hindi nananatiling di-nagbabago. Sa halip, ito ay patuloy na nabubuo at lumalalim. Matapos ang ganoong katagal na panahon ng karanasan, ang gawain ay nakabaling at paulit-ulit na nagbago, nguni’t anupaman ang mga pagbabago, ito’y hindi kailanman lumilihis sa layunin ng Diyos ng paggawa sa tao. Kahit pa dumaan sa sampung libong pagbabago, ang orihinal nitong layunin ay hindi kailanman nagbabago, at hindi kailanman lumilihis mula sa katotohanan o sa buhay. Ang mga pagbabago sa pamamaraan kung paano ginagawa ang gawain ay pagbabago lamang sa ayos ng gawain at pananaw ng pananalita, hindi isang pagbabago sa pinaka-gitnang layunin ng Kanyang gawain. Ang mga pagbabago sa himig ng tinig at pamamaraan ng gawain ay ginawa upang may makamit na epekto. Ang pagbabago sa himig ng tinig ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa layunin o panuntunan ng gawain. Ang kakanyahan ng taong naniniwala sa Diyos ay ang hanapin ang buhay. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos nguni’t hindi naghahangad ng buhay o katotohanan o pagkakilala sa Diyos, kung gayon walang paniniwala sa Diyos! Ito ba ay makatotohanan na ikaw ay naghahangad pa ring pumasok sa kaharian upang maging hari? Tanging ang pagkakamit ng tunay na pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng paghahangad ng buhay ang katunayan, ang paghahabol at pagsasagawa ng katotohanan ay katunayang lahat. Danasin ang mga salita ng Diyos habang binabasa ang Kanyang mga salita; sa paraang ito, matatarok mo ang pagkakilala sa Diyos sa pamamagitan ng tunay na karanasan. Ito ang tunay na paghahabol.
Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, kung ikaw ay nakapasok tungo sa bagong kapanahunang ito ay nalalaman sa pamamagitan ng kung ikaw ay nakapasok tungo sa katunayan ng mga salita ng Diyos at kung ang Kanyang mga salita ay nagsisilbing katunayan ng iyong buhay. Ang salita ng Diyos ay ipinaalam sa lahat nang sa gayon, sa katapusan, ang lahat ng tao ay mamumuhay sa mundo ng salita at ang salita ng Diyos ay liliwanagan at paliliwanagin ang bawa’t tao sa kalooban. Kung sa loob ng panahong ito, ikaw ay nagmamadali at walang-ingat sa pagbasa ng salita ng Diyos, at wala kang pagnanais sa Kanyang salita, ito ay nagpapakita na may mali sa iyong katayuan. Kung ikaw ay hindi makapasok sa Kapanahunan ng Salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa iyo, kung ikaw ay nakapasok sa kapanahunang ito, gagawin Niya ang Kanyang gawain. Ano ang magagawa mo sa sandaling ito, ang pagsisimula ng Kapanahunang ito ng Salita, upang matamo ang gawain ng Banal na Espiritu? Sa kapanahunang ito, gagawin ng Diyos na isang katunayan sa gitna ninyo na ang bawa’t tao ay isinasabuhay ang salita ng Diyos, kayang isagawa ang katotohanan, at maalab na nagmamahal sa Diyos; na ang lahat ng tao ay ginagamit ang salita ng Diyos bilang saligan at kanilang katunayan at mayroong mga puso ng paggalang sa Diyos; at na, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salita ng Diyos, ang tao ay maaaring mamuno kasama ng Diyos. Ito ang gawain na makakamit ng Diyos. Makakaya mo bang magpatuloy na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos? Marami sa ngayon ang nakadarama na hindi makapagpatuloy kahit isang araw lamang o dalawa kung hindi nakakapagbasa ng salita ng Diyos. Nararapat nilang basahin ang salita ng Diyos araw-araw, at kung hindi pinahihintulutan ng panahon, sapat na ang pakikinig sa Kanyang salita. Ito ang pakiramdam na ibinibigay ng Banal na Espiritu sa tao, at kung papaano Niya sinisimulang antigin ang tao. Iyon ay, pinamumunuan Niya ang tao sa pamamagitan ng mga salita nang sa gayon ang tao ay maaaring pumasok sa katunayan ng salita ng Diyos. Kung ikaw ay nakararamdam ng kadiliman at uhaw matapos lamang ang isang araw na hindi kumakain at umiinom sa salita ng Diyos, at hindi mo ito matanggap, ipinakikita nito na ikaw ay naantig na ng Banal na Espiritu, at hindi ka Niya tinalikuran. Ikaw kung gayon ay isa na nasa daloy na ito. Subali’t, kung ikaw ay walang pagtalos o hindi nakararamdam ng uhaw matapos ang isa o dalawang araw na hindi pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, at hindi mo nadarama na ikaw ay naantig, ito ay nagpapakita na tinalikuran ka ng Banal na Espiritu. Ito ay nangangahulugan, kung gayon, na ang katayuan ng iyong kalooban ay hindi tama; hindi ka pa nakapapasok sa Kapanahunan ng Salita, at ikaw ay isa na naiwan. Ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang tao; mabuti ang iyong pakiramdam kung kumakain at umiinom ka sa salita ng Diyos, at kung hindi, wala kang magiging daan upang sumunod. Ang salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng tao at ang lakas na nag-uudyok sa kanya. Sinabi ng Biblia na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” Ito ang gawain na tutuparin ng Diyos sa araw na ito. Gaganapin Niya ang katotohanang ito sa iyo. Paano nakatatagal ang tao noong nakaraan nang maraming araw na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos nguni’t patuloy na kumakain at gumagawa? At bakit hindi ito ang kalagayan ngayon? Sa kapanahunang ito, pangunahing ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang lahat. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao, at sa huli ay dinadala tungo sa kaharian. Tanging ang salita ng Diyos ang nakapagtutustos ng buhay ng tao, at tanging ang salita ng Diyos ang makapagbibigay sa tao ng liwanag at ng daan ng pagsasagawa, lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian. Hangga’t araw-araw kang kumakain at umiinom sa Kanyang salita at hindi iniiwan ang katunayan ng salita ng Diyos, makakaya kang gawing perpekto ng Diyos.
Ang isa ay hindi maaaring magmadali sa pagkamit ng tagumpay kapag naghahanap ng buhay; ang paglago sa buhay ay hindi nangyayari sa loob lamang ng isa o dalawang araw. Ang gawain ng Diyos ay karaniwan at praktikal, at ito ay nararapat sumailalim sa kinakailangang pamamaraan. Tumagal ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon ang nagkatawang-taong si Jesus upang ganapin ang Kanyang gawain ng pagpapapako sa krus, lalong higit ang buhay ng tao! Ito rin ay hindi madaling tungkulin na gawin ang isang karaniwang tao na naghahayag sa Diyos. Ito ay lalo’t higit para sa mga tao sa bansa ng malaking pulang dragon. Mahina ang kanilang kakayahan at nangangailangan ng matagal na panahon ng salita at gawain ng Diyos. Kaya huwag kang magmamadali na makakita ng mga bunga. Ikaw ay nararapat na maging maagap sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at higit na magsikap sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos mabasa ang Kanyang mga salita, dapat mong maisagawa ang mga iyon sa katunayan, at sa mga salita ng Diyos, ikaw sa gayon ay magkakamit ng kaalaman, panloob-na-pananaw, pagtalos, at karunungan. Sa pamamagitan nito, ikaw ay magbabago nang hindi namamalayan. Kung makakaya mong tanggapin bilang iyong mga panuntunan ang pagkain at pag-inom sa salita ng Diyos, pagbabasa ng Kanyang salita, pag-unawa rito, maranasan ito, at pagsasabuhay nito, ikaw ay lalago nang hindi mo namamalayan. Ang iba ay nagsasabi na hindi niya kayang isagawa ang salita ng Diyos kahit na ito ay kanyang nabasa! Bakit ka nagmamadali? Kapag naabot mo ang isang tiyak na tayog, makakaya mong isagawa ang Kanyang salita. Masasabi ba ng isang apat- o limang-taong-gulang na bata na hindi niya kayang kalingain o bigyang-dangal ang kanyang mga magulang? Kailangan mong malaman ngayon kung ano ang iyong tayog, isagawa kung ano ang iyong makakaya, at huwag kang maging isa sa mga sumisira sa pamamahala ng Diyos. Kainin at inumin mo lamang ang salita ng Diyos at sa iyong pagsulong, gamitin mo iyan bilang iyong panuntunan. Huwag ka munang mag-alala kung kaya kang gawing ganap ng Diyos. Huwag mo munang usisain iyon. Kumain at uminom ka lamang ng mga salita ng Diyos habang nadaraanan mo ang mga iyon, at tiyak na makakaya kang gawing ganap ng Diyos. Subali’t, may isang panuntunan kung paano ka dapat kumain at uminom sa Kanyang salita. Huwag mo itong gawin na parang isang bulag. Sa halip ay hanapin mo ang mga salita na kailangan mong malaman, iyan ay, ang mga may kaugnayan sa pananaw. Ang isa pang kalagayan na nararapat mong hanapin ay iyong mga naisasagawa, iyan ay, ang mga kailangan mong pasukin. Ang isang kalagayan ay tungkol sa kaalaman, at ang isa ay may kinalaman sa pagpasok. Sa oras na pareho mong nahanap, iyan ay, kapag natarok mo kung ano ang dapat malaman at ano ang dapat isagawa, iyong malalaman kung paano kumain at uminom sa salita ng Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento