Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Nobyembre 30, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)

maghintay, Kaligtasan, Daan, iglesia, Jesus

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Landas... (6)


  Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan.

Nobyembre 28, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Is Obedience to Pastors and Elders the Same as Obedience to God?



 Is Obedience to Pastors and Elders the Same as Obedience to God?

    Some believers believe that the pastors and elders of the religious world have all been chosen and appointed by the Lord, and that they are all people who serve the Lord. So they believe that only obeying the pastors and elders is obeying the Lord, and that defying or condemning the pastors and elders is defying the Lord.

Nobyembre 27, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (5)

katotohanan, kalooban, buhay, Kaharian, Kaligtasan

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Ang Landas... (5)

  Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos.

Nobyembre 26, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Throwing off the Fetters of Religious Conceptions: Break the Spell



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Throwing off the Fetters of Religious Conceptions: Break the Spell

  Isang elder si Fu Jinhua sa isang iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming iba pang mga Tsino, masigasig niyang inilaan ang kanyang sarili sa Panginoon, nagpakapagod nang lubos para sa Kanya. Partikular siyang may tiwala sa kanyang sarili, at tinuruan ang kanyang sarili na maging isang taong tunay na nagmahal sa Panginoon. Sinunod niya ang Panginoon nang maraming taon, buong puso siyang naniwala na ang Biblia ay pinukaw ng Diyos, at ang mga salita sa Biblia ay salita lahat ng Diyos.

Nobyembre 25, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

Kapag ibinibaba ng Diyos ang sarili Niya,
Siya'y nagkakatawang-tao't nananahan sa tao,
saka lang sila maaring maging,
kanyang katiwala't matalik na kaibigan.
Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao
kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?
Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos
mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.

Nobyembre 24, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos

Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N'ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa'n bagong salita N'ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro'n gawa N'ya, naro'n gawa N'ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro'n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.

Nobyembre 23, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito

Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.

Nobyembre 22, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (4)

Daan, Pedro, pag-ibig, Biyaya, kalooban

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Landas… (4)


  Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos.

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (3)

buhay, Pedro, pag-ibig, Daan, Biyaya

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Landas… (3)

  Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos!

Nobyembre 19, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)

Isabuhay, kaligtasan,  Kaalaman, buhay, katotohanan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Landas… (2)

  Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito.

Nobyembre 18, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos

Sa mga gawain ng Diyos,
sinumang tunay ang pagdanas
may galang at takot sa Kanya,
mas mataas kaysa paghanga.
Kastigo't paghatol N'ya
tao'y kita disposisyon N'ya,
sa puso nila'y igalang S'ya.
Diyos ay dapat sambahin at sundin,
dahil anyo't disposisyon Niya
kaiba sa mga nilalang,
higit sa mga nilalang.
Diyos lang marapat sambahin at pasakop.

Ang dumanas sa gawa ng Diyos,
na may tunay na kaalaman sa Kanya,
lahat sila'y iginagalang S'ya.
Yaong may mga isipín laban sa Diyos,
di S'ya turing na Diyos, walang galang,
di nasakop, kahit sumusunod.
Sila ay likas na masuwayin.
Gawa ng Diyos kamtin ito:
Lahat ng nilalang igalang ang Lumikha.
Lahat sumamba sa Diyos
at buong-pusong pasakop sa dominyo N'ya.

Dahil anyo't disposisyon Niya
kaiba sa mga nilalang,
higit sa mga nilalang.
Diyos lang marapat sambahin at pasakop.
Gawain N'ya'y kakamtin 'to sa wakas.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

 Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Nobyembre 17, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

Kaalaman, kaligtasan, buhay, Langit, katotohanan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

  Bawat yugto ng gawain na ginawa ng Diyos ay mayroong tunay na kahalagahan. Noong dumating si Jesus, Siya ay lalaki, at sa oras na ito Siya ay babae. Mula dito, iyong makikita na nilikha ng Diyos ang parehong lalaki at babae para sa Kanyang gawain at sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag ang Kanyang Espiritu ay dumating, maaari Siyang mag-anyo ng anumang katawang-tao na naisin at ang katawan ay kumakatawan sa Kanya. Maging ito man ay lalaki o babae, parehong kumakatawan sa Diyos basta’t ito ay ang Kanyang naging taong katawan. Kung si Jesus ay dumating at nagpakita bilang isang babae, sa ibang salita, kung ang batang babae, hindi isang lalaki, na mabubuo ng Banal na Espiritu, ang yugtong iyon ng gawain ay magiging kumpleto pa rin. Kung gayon, ang yugtong ito ng gawain ay dapat matapos sa halip ng isang lalaki at ang gawain ay samakatwid makukumpleto pa rin. Ang gawain na tinupad sa parehong mga yugto ay mahalaga; walang gawain ang inulit o magkakasalungat sa bawat-isa. Sa oras ng Kanyang gawain, si Jesus ay tinawag na ang tanging Anak na Lalaki, na nagpapahiwatig ng kasarian ng lalaki. Sa gayon bakit ang tanging Anak na Lalaki ay hindi nabanggit sa yugtong ito? Ito ay dahil sa ang mga pangangailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago sa kasarian na kakaiba mula doon kay Jesus. Sa Diyos ay walang pagkakaiba sa kasarian. Ang Kanyang gawain ay natupad ayon sa Kanyang mga pag-nanais at hindi sakop ng kahit anumang mga pagbabawal, lubusang malaya, ngunit ang bawat yugto ay mayroong tunay na kahulugan. Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao, at ito ay nangyayari na walang sinasabi na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ang huling pagkakataon. Siya ay dumating upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga gawain. Kung sa yugtong ito ay hindi Siya naging tao upang personal na gumawa upang masaksihan ng tao, ang tao ay magpakailanmang mananatili sa paniwala na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. Bago ito, ang lahat ay naniwala na ang Diyos ay maaaring lalaki lamang at ang babae ay hindi maaaring matawag na Diyos, sapagkat ipinagpalagay ng lahat na ang lalaki ay mayroong awtoridad sa babae. Naniniwala sila na walang babae ang maaaring magkaroon ng awtoridad, kundi lalaki lamang. Sinabi rin nila na ang pinuno ng babae ay lalaki at na ang babae ay dapat sumunod sa lalaki at hindi niya maaaring malampasan. Noong ito ay sinambit sa nakaaran na ang lalaki ay ang pinuno ng babae, ito ay sinabi hinggil kay Adan at Eba na nilinlang ng ahas, at hindi sa lalaki at babae na nilikha ni Jehovah sa simula. Syempre, ang babae ay dapat na sumunod at mahalin ang kanyang asawa, kagaya ng isang lalaki na dapat matuto na suportahan ang kanyang pamilya. Ito ang mga batas at mga kautusan na itinakda ni Jehovah kung saan ay dapat sundin ng sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa mundo. Sinabi ni Jehovah sa babae, “at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Ito ay sinabi lamang upang ang sangkatauhan (iyon ay, kapwa babae at lalaki) ay maaaring mamuhay ng karaniwang pamumuhay sa ilalim ng dominyon ni Jehovah, upang ang mga buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng balangkas at hindi mawala ang kaayusan. Sa gayon, si Jehovah ay gumawa ng mga karampatang alituntunin kung paano ang lalaki at babae ay dapat kumilos, ngunit ang mga ito ay nakatukoy lamang sa lahat ng mga nilikhang namumuhay sa mundo at hindi sa Diyos na nagkatawang-tao. Paano magiging kapareho ng Diyos ang Kanyang nilikha? Ang Kanyang mga salita ay para lamang sa sangkatauhan na Kanyang nilikha; ang mga ito ay alituntunin na itinakda para sa lalaki at babae upang ang sangkatauhan ay maaaring mamuhay ng karaniwang buhay. Noong simula, nang nilikha ni Jehovah ang sangkatauhan, ginawa Niya ang parehong babae at lalaki; sa gayon, ang Kanyang katawan na naging tao ay naiiba rin sa kahit alin sa lalaki o babae. Hindi Siya nagpasiya ng Kanyang gawain batay sa mga salitang winika Niya kina Adan at Eba. Ang dalawang beses Niyang pagkakatawang-tao ay ganap na itinakda ayon sa Kanyang kaisipan noong una Niyang nilikha ang sangkatauhan. Iyon ay, ganap Niyang naisagawa ang trabaho ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao ayon sa lalaki at babae na hindi nadungisan ng kasalanan. Kung isasagawa ng tao ang mga salitang sinabi ni Jehovah kay Adan at Eba na nalinlang ng ahas sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi rin ba dapat mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa sa paraan na Kanyang kinakailangan? Ang Diyos ba ay Diyos parin samakatwid? Kung gayon, magagawa ba Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali na ang nagkatawang-tao ng Diyos ay maging babae, hindi rin ba ito malaking kamalian na nilikha ng Diyos ang babae? Kung ang lalaki ay naniniwala parin na ang Diyos na nagkatawang-tao bilang babae ay kamalian, hindi ba ang pagkakatawang-tao ni Jesus, na hindi nag-asawa at sa gayon hindi maaaring mahalin ang Kanyang asawa, ay maging higit na kamalian bilang kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang iyong ginagamit ang mga salita na sinambit ni Jehovah kay Eba upang masukat ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa araw na ito, dapat mong gamitin ang mga salita ni Jehovah kay Adan upang hatulan ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba magkapareho ang dalawang ito? Yamang iyong hinatulan ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lalaki na hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring hatulan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao sa araw na ito sa pamamagitan ng babae na siyang nalinlang ng ahas. Iyon ay hindi patas! Kung gagawa ka ng ganoong paghatol, sa gayon ito ay patunay ng iyong kakulangan ng pagkamakatuwiran. Nang si Jehovah ay dalawang beses na nagkatawang-tao, ang kasarian ng Kanyang katawang-tao ay kaugnay sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Dalawang beses Siyang naging tao na ayon sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Huwag isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay katulad kay Adan na siyang nalinlang ng ahas. Siya ay lubos na walang kaugnayan sa kanya, at sila ay dalawang lalaki na iba ang mga katangian. Tiyak na hindi maaari na ang pagiging lalaki ni Jesus ay patunay na Siya lamang ang pinuno ng lahat ng mga kababaihan ngunit hindi ng lahat ng kalalakihan? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng mga Hudyo (kasama ng kapwa mga lalaki at mga babae)? Siya ay ang Diyos Mismo, hindi lamang pinuno ng babae ngunit ang pinuno rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang at ang pinuno ng lahat ng mga nilalang. Paano mo natitiyak na ang pagkalalaki ni Jesus ay magiging simbolo ng pinuno ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay lalaki na hindi nadungisan. Siya ay Diyos; Siya ay si Kristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging lalaking tulad ni Adan na naging tiwali? Si Jesus ay ang katawang-tao na ginamit nang pinaka-banal na Espiritu ng Diyos. Paano mo masasabi na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Kung gayon hindi ba lahat ng gawa ng Diyos ay kamalian? Maaari bang isama ni Jehovah kay Jesus ang pagkalalaki ni Adan na siyang nalinlang? Hindi ba ang kasalukuyang pagkakatawang-tao ay iba pang gawain ng Diyos nagkatawang-tao na iba sa kasarian ni Jesus ngunit kapareho sa kalikasan? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sasabihin na ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi maaaring babae yamang ang babae ang unang nalinlang ng ahas? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na ang babae ay ang pinaka-marumi at pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, marahil ang Diyos ay hindi maaaring maging tao bilang babae? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na “ang babae ay dapat laging sumunod sa lalaki at hindi kailanman magpakilala o direktang kumatawan sa Diyos”? Hindi mo naintindihan noong nakaraan; maaari mo pa rin bang lapastanganin ang gawain ng Diyos, lalo na ang katawan ng naging taong Diyos? Kung hindi mo ito nakikita nang malinaw, mabuting isipin ang iyong pananalita, upang ang iyong kahangalan at kamangmangan ay hindi maibunyag at ang iyong kapangitan ay mailantad. Huwag isipin na iyong naintindihan ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na ang lahat ng iyong nakita at naranasan ay kulang upang maunawaan ang kahit isa-sa-isang-libo ng Aking plano sa pamamahala. Kaya’t bakit ikaw ay masyadong mapagmataas? Ang iyong hamak na kapirasong talento at kaunting kaalaman ay kulang upang magamit kahit man lang sa isang segundo ng gawain ni Jesus! Gaano karaming karanasan ang tunay na mayroon kayo? Ang lahat ng iyong nakita at lahat ng iyong narinig sa iyong buong buhay at kung ano ang inyong mga naisip ay mas kaunti kaysa sa Aking ginagawa sa isang sandali! Mas mabuting huwag kang maghiniksik at maghanap ng kamalian. Hindi alintana kung gaano ka mapanghamak, ikaw parin ay isang nilalang na mas mababa kaysa sa langgam! Lahat ng nasa loob ng iyong tiyan ay mas mababa kaysa sa loob ng tiyan ng langgam! Huwag mong isipin na dahil marami kang naging karanasan at naging mas nakatatanda, maaari ka na magsalita at kumilos nang may hindi mapigil na kayabangan. Hindi ba ang iyong mga karanasan at iyong pagiging nakatatanda ay bunga ng mga salita na Aking winika? Naniniwala ka ba na ang mga ito ay nakakamit sa pamamagitan ng iyong pagtatrabaho at paghihirap? Ngayong araw, makikita mo ang Aking pagkakatawang-tao, at bilang resulta ikaw ay mayroong mga mayamang pagkaintindi, kung saan nagmula di-mabilang na mga paniniwala. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit na gaano kagila-gilalas ang iyong mga talento, hindi ka magkakaroon ng maraming pagkaintindi. Hindi ba dito nagmula ang iyong mga paniwala? Kung hindi sa unang pagkakataon na nagkatawang-tao si Jesus, ano ang iyong malalaman sa pagkakatawang-tao? Hindi ba ito dahil sa iyong kaalaman ng unang pagkakatawang-tao kaya ikaw ay naglakas-loob na mangahas na hatulan ang pangalawang pagkakatawang-tao? Bakit kailangan mo itong kilatisin sa halip na maging masunuring tagasunod? Kayo ay pumasok sa daloy na ito at humarap sa nagkatawang-taong Diyos. Paanong ikaw ay pahihintulutang mag-aral? Mainam para sa iyo na pag-aralan ang kasaysayan ng iyong sariling pamilya, ngunit kung iyong pag-aaralan ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, paano ka pahihintulutan ng Diyos ngayon na gawin ito? Hindi ka ba bulag? Hindi ka ba nagdadala ng pahamak sa iyong sarili?

Nobyembre 16, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyo


katotohanan, pag-ibig, karunungan, buhay, praktikal


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyo


  Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos. Nang sabihin na ang Diyos ay pumapaligid at lubhang masagana, ano ang ibig sabihin ng pumapaligid? Ano ang ibig sabihin ng kasaganaan? Kung hindi mo ito naunawaan, hindi ka maaaring ipalagay na mananampalataya ng Diyos. Bakit Ko sinasabing ang mga nasa relihiyosong mundo ay mga hindi nananampalataya sa Diyos at mga manggagawa ng kasamaan, at yaong mga kauri ng demonyo? Kapag sinabi Kong sila ay manggagawa ng kasamaan, ito ay dahil hindi nila maintindihan ang kalooban ng Diyos o makita ang Kanyang karunungan. Hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang gawa sa kanila; sila’y mga bulag na hindi nakikita ang mga gawa ng Diyos. Sila yaong mga tinalikdan ng Diyos at walang taglay na kalinga at pag-iingat ng Diyos, lalo pa ang gawa ng Banal na Espiritu. Yaong mga walang gawa ng Diyos ay manggagawa ng kasamaan at naninindigan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sinasabi Ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya. Kung walang pag-unawa sa layunin ng Diyos at sa gawa ng Diyos sa tao, hindi makaaayon ang tao sa puso ng Diyos, at hindi magagawang maging saksi sa Diyos. Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa tiwaling disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang tiwaling disposisyon. Sa panahon bago naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay kung tinupad niya ang kautusang inihayag ng Diyos sa langit. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sinumang hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong mga sumalungat sa Diyos; ang sinumang nagnakaw ng mga alay para kay Jehova, at ang sinumang nanindigan laban sa mga pinaboran ni Jehova ay yaong sumalungat sa Diyos at yaong pupukulin ng bato hanggang sa mamatay; ang sinumang hindi gumalang sa kanyang ama at ina, at ang sinumang nanakit o nanumpa ng kapwa ay yaong hindi tumupad sa mga kautusan. At ang lahat ng hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay yaong nanindigan na labanan Siya. Hindi na ganito sa Kapanahunan ng Biyaya, na ang sinumang nanindigan laban kay Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos, at ang sinumang hindi sumunod sa mga salitang sinabi ni Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos. Sa panahong ito, ang pagpapatunay na “pagsalungat sa Diyos” ay higit pang natukoy nang malinaw at mas tunay. Sa panahong hindi pa naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay batay sa kung ang tao ay sumamba at gumalang sa di-nakikitang Diyos na nasa langit. Ang kahulugan ng “pagsalungat sa Diyos” sa panahong iyon ay hindi lubusang tunay, dahil ang tao noon ay hindi maaaring makita ang Diyos ni malaman ang kanyang anyo o paano gumawa at magsalita ang Diyos. Walang mga pagkaintindi ang tao sa Diyos at may kalabuan ang paniniwala sa Diyos, dahil hindi pa Siya nagpakita sa tao. Samakatuwid, paano man naniwala ang tao sa Diyos sa kanilang imahinasyon, hindi pinarusahan ng Diyos ang tao o humingi ng higit pa mula sa tao, sapagka’t hindi talaga nakikita ng tao ang Diyos. Kapag nagiging tao ang Diyos at gumagawa kasama ang mga tao, ang lahat ay namamasdan ang Diyos at napapakinggan ang Kanyang mga salita, at nakikita ng lahat ang gawain ng Diyos sa laman. Sa panahong iyon, ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao ay naglalahong parang bula. At para sa mga nakakita sa Diyos na nagpakita sa laman, ang lahat ng may pagsunod sa kanilang mga puso ay hindi mahuhusgahan, samantalang yaong mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay yaong itinuturing na kalaban ng Diyos. Ang mga naturang tao ay mga anticristo at mga kalaban na kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos. Yaong may mga pagkaintindi tungkol sa Diyos nguni’t may kagalakang sumusunod ay hindi huhusgahan. Hinuhusgahan ng Diyos ang tao batay sa kanyang mga layunin at mga kilos, hindi kailanman sa kanyang mga kaisipan at mga ideya. Kung ang tao ay hinuhusgahan sa ganitong batayan, kung gayon wala ni isa ang makatatakas sa mabagsik na mga kamay ng Diyos. Yaong mga kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos na nagkatawang-tao ay mapaparusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ang kusang-loob nilang pagsalungat sa Diyos ay nagmumula sa kanilang mga pagkaintindi tungkol sa Kanya, na nagbunga ng kanilang paggambala sa gawa ng Diyos. Ang gayong mga tao ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawa ng Diyos. Hindi lamang sila mayroong mga pagkaintindi sa Diyos, subalit ginagawa nila ito upang magambala ang Kanyang gawain, at dahil sa kadahilanang ito na ang ganitong pag-uugali ng mga tao ay huhusgahan. Yaong mga hindi kusang-loob na sumasama sa paggambala sa gawa ay hindi huhusgahan bilang makasalanan, sapagka’t nagawa nilang sadyang sumunod at hindi gumawa ng pagbuwag at paggambala. Ang naturang mga tao ay hindi huhusgahan. Gayunpaman, kung ang mga tao sa maraming taon ay naranasan ang gawa ng Diyos, at kung tinataglay pa rin nila ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang malaman ang gawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa kabila ng maraming taong karanasan, ay pinagpapatuloy pa rin nilang panghawakan ang maraming pagkaintindi sa Diyos at hindi pa rin kayang kilalanin ang Diyos, at kahit hindi sila gumawa ng gulo nang mayroong maraming pagkaintindi sa Diyos sa kanilang mga puso, at kahit ang mga pagkaintindi na iyon ay hindi lumitaw, yaon ang mga taong wala ring paglilingkod sa gawa ng Diyos. Hindi nila kayang ipangaral ang ebanghelyo o maging saksi sa Diyos; sila ang mga taong walang silbi at mga hangal. Dahil hindi nila kilala ang Diyos at hindi nila kayang iwaksi ang kanilang mga pagkaintindi sa Diyos, sila ay hinuhusgahan. Maari itong sabihin nang ganito: Hindi bihira sa mga baguhan sa pananampalataya ang magkaroon ng mga pagkaintindi sa Diyos o ng kawalang-alam sa Kanya, ngunit di-pangkaraniwan sa mga may paniniwala nang maraming taon at maraming karanasan sa gawa ng Diyos ang pagkakaroon ng ganitong mga pagkaintindi, at mas lalo na para sa mga naturang tao ang kawalan ng kaalaman tungkol sa Diyos. At ang bunga ng ganitong di-pangkaraniwang kalagayan ng mga tao ay hinuhusgahan. Yaong ganoong mga di-pangkaraniwang tao ay mga walang silbi; sila yaong sukdulang sumasalungat sa Diyos at sila yaong nagpakasaya sa biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sila yaong mga taong dapat alisin sa katapusan!

Nobyembre 15, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

maghanap, Kaligtasan, katotohanan, buhay, Iglesia

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

  Makalipas ang ilang libong taon ng kasamaan, ang tao ay naging manhid at mapurol ang pag-iisip, isang demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang sa ang pagiging mapanghimagsik ng tao ay naitala sa mga aklat ng kasaysayan kung saan hindi man lang kayang isalaysay nang buo ng tao ang kaniyang mga mapag-alsang gawi— sapagkat ang tao ay talagang pinasama na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas na anupa’t hindi na malaman saan siya tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kaniya, at kapag hindi niya nakikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon ngang ibang nakasaksi na sa sumpa ng Diyos at sa poot ng Diyos, pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya masasabi ko na ang katinuan ng tao ay wala na sa orihinal na gamit, at ang konsensya ng tao, gayundin, ay wala na sa orihinal na gamit. Ang tao na Aking itinatangi ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man siya magmukhang kahabag-habag, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagkat ang tao ay wala nang unawa sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng kung ano ang totoo at di-totoo. Ang katinuan ng tao ay naging manhid, ngunit siya ay patuloy na naghahangad ng mga pagpapala; ang kaniyang pagkatao ay naging masyadong walang-dangal ngunit naghahangad pa rin siya na taglayin ang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katinuan? Papaano siya sa gayong katauhan uupo sa isang trono? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong kahabag-habag! Para sa inyong nagnanais na makamtan ang mga pagpapala, ipinapayo Kong humarap muna kayo sa salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na larawan—taglay mo ba ang katangian ng pagiging hari? Taglay mo ba ang katangian ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala ka pa ring ginawa ni katiting na pagbabago sa iyong mga disposisyon at hindi mo isinasagawa ang katotohanan, ngunit ikaw ay naghahangad pa rin ng isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo lang ang iyong sarili! Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay sinira na nang labis ng lipunan, siya ay inimpluwensiyahan ng mga etikang pyudal, at tinuruan sa “mga dalubhasaan.” Ang paurong na kaisipan, masamang moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng mga bagay na ito ay ang matinding nanghimasok sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kaniyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kaniya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawa’t araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa kasamaan ng laman sa pusali. Marinig man nila ang katotohanan, ang mga nananahan sa kadiliman ay hindi mag-iisip isagawa ito, ni hindi nakahandang matamo ang Diyos kahit na namamasdan nila ang Kanyang pagpapakita. Papaanong ang isang sangkatauhan na ubod nang sama ay magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan? Papaanong ang isang sangkatauhan na napakasama ay mabubuhay sa liwanag?

Nobyembre 14, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ikaw Ba’y Nabuhay?

Isabuhay, Kaharian, buhay, katotohanan, iglesia

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ikaw Ba’y Nabuhay?

  
  Kapag nakamit mo na ang pagsasapamuhay ng normal na pagkatao, at nagawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya, ni anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang ipapamuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang masama ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ng kasamaang ito ang mga tao—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng tao, sila ay mangangabuhay muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong kung saan ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. Napagtiisan ng piniling bayan ng Tsina ang malupit at di-makataong pag-uusig at panlilinlang ng malaking pulang dragon, na iniwan silang napinsala ang pag-iisip at walang katiting na lakas ng loob upang mabuhay. Kaya, dapat magsimula ang pagpukaw ng kanilang mga espiritu sa kanilang diwa: Unti-unti, dapat pukawin ang kanilang espiritu sa kanilang diwa. Kapag, isang araw, ay nabuhay na sila, wala nang magiging sagabal pa, at lahat ay magpapatuloy nang maayos. Sa ngayon, nananatili itong hindi makakamtan. Ang pagsasabuhay ng karamihan sa mga tao ay naglalaman nang labis na pakiramdam ng kamatayan, nababalot sila ng aura ng kamatayan, at napakarami nilang kakulangan. May dalang kamatayan ang mga salita ng ilang tao, may dalang kamatayan ang kanilang pagkilos, at kamatayan ang halos lahat ng kanilang pagsasabuhay. Kung magpapatotoo ngayon sa publiko ang mga tao tungkol sa Diyos, ang gawaing ito ay mabibigo kung gayon, dahil kailangan muna silang ganap na mabuhay muli, at masyadong marami ang patay sa gitna ninyo. Ngayon, nagtatanong ang ilang tao kung bakit hindi nagpapakita ng ilang tanda at himala ang Diyos upang mabilis Niyang maipalaganap ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil. Hindi maaaring magpatotoo ang patay tungkol sa Diyos; ang buhay ang maaari, ngunit karamihan sa mga tao ngayon ay patay, masyadong marami sa kanila ang namumuhay sa kulungan ng kamatayan, namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at hindi kayang magtagumpay—kaya paano sila makakapagpatotoo tungkol sa Diyos? Paano nila maipapalaganap ang gawain ng ebanghelyo?

Nobyembre 13, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag

katotohanan, pananampalataya sa Diyos, Langit, buhay, kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag

  Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad. Maraming tao ang kumikilos ayon sa gusto nila, ginagawa nila ang anumang kanilang naisin, at hindi kailanman iniintindi ang mga kagustuhan ng Diyos, o kung ang ginagawa nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi kayang magkamit ng tunay na paniniwala, mas lalo na ang pag-ibig ng Diyos. Ang substansya ng Diyos ay hindi lamang para paniwalaan ng tao; ito ay, higit pa rito, para ibigin ng tao. Subalit karamihan ng tao na naniniwala sa Diyos ay hindi kayang tuklasin itong “lihim.” Hindi naglalakas-loob ang mga tao na ibigin ang Diyos, o subukan man lang ibigin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos, hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat ibigin ng tao. Ang kagandahan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang gawa: Kapag naranasan nila ang Kanyang gawa, saka lamang matutuklasan ng tao ang Kanyang kagandahan, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang kagandahan ng Diyos, at ang hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng kagandahan ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, ngunit hindi ito magagawang tuklasin ng tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawa—at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig ng Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig ng Diyos sa lupa, sapagka’t ang pagkilala ng mga tao ng Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumating ang Diyos sa lupa, magagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang kagandahan, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana sa kung gaano kamahal ng sangkatauhan ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawa, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, naging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na nakikita at nararanasan ng tao ay katotohanan ng Diyos.

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

Kaalaman, buhay, Langit, Biblia, Pedro


 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Paano Nakilala ni Pedro si Jesus


  Noong panahong si Pedro ay kasama ni Jesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Jesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Jesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Jesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Jesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Jesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw ay makita si Jesus. At paano tinawag ni Jesus si Pedro? Narinig din Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Jesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Jesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.

Nobyembre 12, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Pedro, katotohanan, buhay,  Kaalaman, Kaharian

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos


  Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang ng pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad nang tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami nang tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

Nobyembre 9, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian”

buhay, katotohanan, Diyos, kapalaran, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian

  
  Paano ninyo tinitingnan ang pangitain ng Milenyong Kaharian? Masyadong nag-iisip ang ilang tao tungkol dito, at sinasabi na ang Milenyong Kaharian ay magtatagal ng isang libong taon sa lupa, kaya’t kung ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia ay hindi pa nakakapag-asawa, dapat ba silang magpakasal na? Ang aking pamilya ay walang pera, dapat ba akong magsimulang maghanap ng pera? … Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Ang mga tao ay malabo ang mata, at nagdurusa ng mahigpit na pagsubok. Sa katunayan, ang Milenyong Kaharian ay hindi pa opisyal na dumating. Sa yugto nang paggawang perpekto sa mga tao, ang Milenyong Kaharian ay maliit lamang na daigdig; sa panahon ng Milenyong Kaharian na binigkas ng Diyos, ang mga tao ay nagiging perpekto. Sa nakaraan, sinasabi na ang mga tao ay magiging tulad ng mga banal at maninindigan sa lupain ng Sinim. Tanging kapag ang mga tao ay nagawang perpekto—kapag sila ay naging mga banal na binanggit ng Diyos—makararating na ang Milenyong Kaharian. Kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, dinadalisay Niya sila, at mas dalisay sila mas higit silang ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag ang karumihan, paghihimagsik, pagsalungat, at ang mga bagay ng laman sa iyong loob ay naalis, kapag ikaw ay napadalisay, ikaw ay mamamahalin ng Diyos (sa ibang salita, ikaw ay magiging banal); kapag ikaw ay nagawang perpekto ng Diyos at maging banal, ikaw ay mapapabilang sa Milenyong Kaharian. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian ang mga tao ay umaasa sa mga salita ng Diyos upang mabuhay, at lahat ng mga bansa ay mapapasailalim sa pangalan ng Diyos, at ang lahat ay pupunta upang basahin ang mga salita ng Diyos. Sa oras na iyon ang ilan ay tatawag gamit ang telepono, ang ilan ay fax … gagamit sila ng bawa’t kaparaanan upang maabot ang mga salita ng Diyos, at kayo, rin, ay mapapasa-ilalim ng mga salita ng Diyos. Ang lahat ng ito ang mangyayari matapos gawing perpekto ang mga tao. Ngayon, ang mga tao ay ginagawang perpekto, pinipino, nililiwanagan, at ginagabayan ng mga salita; ito ay ang Kapanahunan ng Kaharian, ito ay ang yugto na ang mga tao ay ginagawang perpekto, at ito ay walang kaugnayan sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga tao ay nagawang perpekto na at ang tiwaling disposisyon sa loob nila ay nagawa nang dalisay. Sa panahong iyon, ang mga salita na binigkas ng Diyos ang gagabay sa mga tao sa bawat hakbang, at ihahayag ang lahat ng mga misteryong ginawa ng Diyos mula sa oras ng paglikha hanggang sa ngayon, at ang Kanyang mga salita ang magsasabi sa mga tao ng mga pagkilos ng Diyos sa bawa’t kapanahunan at bawa’t araw, kung paano Niya pinatnubayan ang mga tao sa loob, ng gawain Niya sa espirituwal na kaharian, at sasabihin sa mga tao ang mga dinamika ng espirituwal na kaharian. Tanging pagkatapos lamang niyon magiging tunay na ganap ang Kapanahunan ng Salita; ngayon ay tanging isang maliit na daigdig. Kung ang mga tao ay hindi pa perpekto at dalisay, imposibleng mabuhay sila ng isang libong taon sa lupa, at ang kanilang laman ay tiyak na mabubulok; kung ang mga tao ay dinadalisay sa loob, at hindi na sila kay Satanas at sa laman, sa gayon sila ay mananatiling buhay sa lupa. Sa yugtong ito ikaw ay isa pa ring malabo ang mata, at lahat ng inyong nararanasan ay ang pagmamahal sa Diyos at pagpapatotoo sa Kanya sa bawat araw na nabubuhay ka sa lupa.

Nobyembre 8, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos


  Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos. Kung ikaw lamang ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi mo Siya minamahal, hindi pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi kailanman nagmahal sa Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa loob ng iyong puso, sa gayon ang iyong paniniwala sa Diyos ay walang saysay; kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi mo mahal ang Diyos, ikaw ay nabubuhay nang walang kabuluhan, at ang iyong buong buhay ay ang pinakamababa sa lahat ng mga buhay. Kung, sa kabuuan ng iyong buong buhay, hindi mo kailanman inibig o napasaya ang Diyos, sa gayon ano ang saysay ng iyong pamumuhay? At ano ang saysay ng iyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon isang pag-aaksaya ng pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung ang mga tao ay maniniwala sa at iibigin ang Diyos, dapat silang magbigay kabayaran. Sa halip na subuking kumilos sa isang tiyak na paraang panlabas, dapat nilang hanapin ang tunay na pag-unawa sa kailaliman ng kanilang mga puso. Kung ikaw ay masigasig tungkol sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi maisagawa ang pagpapatupad ng katotohanan, maaari bang sabihing ikaw ay umiibig sa Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at iyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa iyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niya na iyong makamit, at kung paano ka dapat palaisip sa Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa laman. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang laman bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit mong pagbibigay kasiyahan sa iyong laman, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay iyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo mong gugustuhin ang laman. Ang laman ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay iyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa iyong sariling mga kahinaan at katamaran.… Ang lalo mong pagbibibigay kasiyahan sa laman, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang laman, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang lamanay magkimkim ng mas malalim na mga paniniwala, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawa ng Diyos. Ang lalo mong pagbibigay kasiyahan sa laman, mas lumalaki ang kahinaan ng laman; palagi mong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya bigyang espasyo ang mga tao? Kapag ang mga tao ay masyadong nahumaling sa laman, at minahal ito nang sobra, doon ay pinatatalo nila ang kanilang mga sarili. Kung ikaw ay tunay na umiibig sa Diyos, at hindi pinasasaya ang laman, makikita mo roon na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat, at napakabuti, at ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at pasya sa iyong kabaluktutan ay naaangkop. Magkakaroon ng panahon na ikaw ay parurusahan at didisiplinahin ng Diyos, at bubuo ng kapaligiran na magpapakumbaba sa iyo, pipilit sa iyo na lumuhod sa Kanya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya iyong mararamdamang parang hindi masyadong masakit, at ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung ikaw ay matatangay sa mga kahinaan ng laman, at sabihing sumusobra na ang Diyos, ikaw ay laging makararamdam nang nasasaktan, at palaging malulumbay, at ikaw ay malalabuan sa lahat ng gawa ng Diyos, at mukhang ang Diyos ay hindi man lang nakikiramay sa mga kahinaan ng tao, at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon ikaw ay makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang ikaw ay nagdurusa nang higit na kawalang-katarungan, at sa oras na ito ikaw ay magsisimulang magreklamo. Ang iyong higit na pagpapabuyo sa mga kahinaan ng laman sa paraang ito, lalo mong mararamdaman na sumusobra ang Diyos, hanggang sa ito ay lumala at iyo nang itanggi ang gawa ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. Kaya, dapat mong labanan ang laman, at hindi magpatangay dito: Ang iyong asawang lalaki, asawang babae, mga anak, mga inaasam, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Kailangan mo ng ganitong kapasyahan: “Sa aking puso ay may isang Diyos lamang, at aking marapat na subukan ang aking pinakamahusay upang masiyahan ang Diyos, at hindi sumunod sa laman.” Kung iyo palaging taglay ang nasabing pasya, at kapag isinabuhay mo ang katotohanan, at inilagay ang iyong sarili sa isang tabi, magagawa mo ito nang may kaunting pagsisikap. Nasabi na noon ay may isang magsasakang nakakita ng ahas sa kalsada na matigas na matigas. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa ng dibdib, at matapos na mabuhay ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang mamatay. Ang laman ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay upang makapinsala sa kanilang buhay—at kapag ganap na nitong makuha ang gusto, naiwala mo ang iyong buhay. Ang laman ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay mga napakaluhong pagnanais, iniisip lamang nito ang kanyang sarili, nais nitong magtamasa ng kaginhawaan, at magsaya sa paglilibang, magumon sa kakuparan at katamaran, at matapos itong mapasaya sa isang tiyak na yugto, kakainin kayo nito sa bandang huli. Na ang ibig sabihin, kung iyo itong pasasayahin sa oras na ito, sa susunod ito ay hihingi pa nang mas marami. Ito ay laging may mga napakaluhong pagnanais at mga bagong hiling, at nagsasamantala sa iyong pagkabuyo sa laman at mas lalo mong pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito madadaig, sa bandang huli maiwawala mo ang inyong sarili. Kung ikaw ay magkakamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang iyong magiging sukdulang pagtatapos, ay nakasalalay sa kung paano mo isasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at pinili at ikaw ay itinalaga, ngunit kung ngayon ikaw ay walang kagustuhang pasayahin Siya, ikaw ay walang kagustuhang isabuhay ang katotohanan, ikaw ay walang nais na maghimagsik laban sa iyong laman na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli iyong ipapahamak ang iyong sarili, at kaya ikaw ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kang nagpapabuyo sa laman, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na ikaw ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag ikaw ay namumuhay sa kadiliman, ikaw ay bihag ni Satanas, ikaw ay mawawalan na ng Diyos, at sa panahong iyon iyong pabubulaanan na kilala mo ang Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais mong ibigin ang Diyos, dapat mong pagbayaran ang sakit at magtiis sa hirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbasa at dagdag na pagtakbo; sa halip, dapat mong isang-tabi ang mga bagay sa iyong kalooban: ang magarbong pag-iisip, mga personal na interes, at ang iyong sariling mga konsiderasyon, mga paniniwala at layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.