Sagot: Naghanda ng lugar ang Panginoon para sa mga sumasampalataya sa kanya. Totoo ‘yon. Pero nasa lupa ba ang lugar na ‘yon o nasa langit? Hindi tayo nakakasiguro tungkol diyan. Iniisip nating nasa langit ang kaharian ng langit, pero ayon ‘yon sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon. Pero ‘yon ba talaga ang katotohanan? Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9-10). Malinaw na sinabi sa ‘tin ng Panginoong Jesus na nasa lupa ang kaharian ng Diyos, hindi sa langit.
Disyembre 22, 2018
Matagal nang ipinangako sa atin ng Panginoon: “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Nakapaghanda na ang Panginoon ng lugar para sa atin sa langit. Pagbalik niya, agad niya tayong iaakyat sa kaharian ng langit. Kung bumalik na ang Panginoon, bakit nasa lupa pa rin ang lahat ng Kanyang mga santo? Bakit hindi pa rin tayo nadadala?
Disyembre 21, 2018
Tagalog Christian Movies| "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang (4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit
Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit? Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.
Disyembre 20, 2018
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Tularan ang Panginoong Jesus
Tagalog Christian Songs | Tularan ang Panginoong Jesus
I
Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,
ang pagtubos sa lahat ng tao
sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,
nang walang pansariling layunin o plano.
Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.
Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,
hinahanap ang kalooban Niya.
S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.
Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos
at tatalikuran n'yo ang laman,
pagtitiwalaan N'ya kayo ng mga tungkulin
para mapaglingkuran n'yo S'ya.
Disyembre 19, 2018
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"
Tagalog Worship Songs | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"
Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,
bumabalik ako sa Iyong harapan.
Sa Iyong mga salita naliliwanagan,
nakikita ko ang aking katiwalian.
I
Madalas akong malamig sa Iyo, sinaktan at pinalungkot Ka,
matigas ang puso, nagrebelde, iniwan Kang mag-isa.
Bakit ang Iyong pagmamahal sa tao ay nasuklian ng sakit?
Napopoot ako sa aking matigas na puso
at malalim na kasamaan.
Marumi, hindi karapat-dapat na makita Ka,
ng Iyong pagmamahal.
Ako'y isang mapanghimagsik na tao,
paano ko malalaman ang Iyong puso,
makita ang Iyong pagmamahal?
Disyembre 18, 2018
Ano ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?
“Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).
“At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).
“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
Disyembre 16, 2018
Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo"
Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino.
Disyembre 15, 2018
Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven
Si Yu Fan ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)