Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Disyembre 10, 2018

Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa



Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.

Disyembre 8, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago (2) "Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies "Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit"


Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "You must realize it, and should not oversimplify matters. The work of God is unlike any ordinary work. Its marvel cannot be conceived by the mind of man, and its wisdom cannot be attained by such.

Disyembre 7, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


"Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita."

Disyembre 6, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"


Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"


Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya.

Disyembre 5, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan

Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang nito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito sa pamamagitan ng Aking mga mata at ito ay malinaw sa Aking puso; bagamat hindi Ko naranasan ang buhay ng iglesia sa Sarili Ko, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang anuman ang nagbago, wala kahit katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas kagaya ng apoy, ngunit kapag walang sinuman ang naroroon upang alalayan sila, para silang isang bloke ng yelo.

Disyembre 4, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Balita | Ang Pag-uusig sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay Nalantad sa UN


Ang Pag-uusig sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay Nalantad sa UN. Bakit Inuusig ng CCP ang mga Paniniwalang Pangrelihiyon?

Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia. Ang dokumentaryo na ito ay nagsasalaysay ng totoong kuwento ng pag-uusig na pinagdusahan sa mga kamay ng CCP ng pamilya ng Kristiyanong Chinese na si Christian Lin Haochen.

Disyembre 3, 2018

Tagalog Gospel Movie "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" (Clips 6/6)


Tagalog Gospel Movie "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" (Clips 6/6) Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?

Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, nangangagaral na malapit na ang kaharian ng langit at dadalhin sa mga tao ang daan tungo sa pagsisisi, tinuligsa Siya ng mga Fariseong Judio, na sinasabi na ang Kanyang mga salita at gawain ay laban sa mga kautusan sa Lumang Tipan, na hindi iyon nakasaad sa Lumang Tipan, at na maling paniniwala ang mga iyon.