Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Nobyembre 11, 2018

Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita

I
Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao.
Sa salita Niya tinutupad lahat,
Sa salita Niya inihahayag lahat.
Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos.
Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos
tanging upang ihayag ang Kanyang salita.
Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos.

Nobyembre 10, 2018

Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"



Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking naipahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; ang mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan.

Nobyembre 9, 2018

Paano Makilala ang Diyos sa Lupa


Makilala ang Diyos,Cristo

Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at maging layon ng Kanyang pabor sa Kanyang mga mata. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na mga bagay nang buong puso at walang sinuman ang nagnanais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Dahil dito mismo, marami sa inyo ang palaging sinusubukan na makamit ang pabor ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at kalantaran sa Diyos ay mas kaunti kaysa sa inyong katapatan at kalantaran sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at higit Kong ikakaila ang pag-iral ng Diyos na umiiral sa inyong mga puso. Ibig sabihin, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi umiiral.

Nobyembre 8, 2018

Pagsira Ng Mga Tanikala


Zhenxi Zhengzhou City, Henan Province

Sampung taon na ang nakararaan, dahil sa aking pagiging palalo, hindi ko kailanman lubos na nasunod ang mga pag-aayos ng iglesia. Susunod ako kapag naibigan ko, at kapag hindi naman, mamimili ako kung susundin ko o hindi. Humantong ito sa malalang paglabag sa mga kaayusan sa gawain sa pagtupad ko ng aking tungkulin. Ginawa ko ang sarili kong kagustuhan at nilabag ko ang kalooban ng Diyos, kaya ako ay pinauwi. Pagkaraan ng ilang taong pagdidili-dili sa aking sarili humigit-kumulang ay may nalaman ako sa sarili kong kalikasan, subali’t sa ganang katotohanan na diwa ng Diyos wala pa rin akong gaanong kaalaman. Nang bandang huli, binigyan muli ako ng iglesia ng isa pang pagkakataon, nguni’t nang ako’y naging pinuno ng gawaing pang-Ebanghelyo, nagsimula akong magkaroon ng mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos: lubha akong tiniwali at nasaktan ko din ang kalooban ng Diyos.

Nobyembre 7, 2018

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pelikulang Kristiano | "Isang Babala Mula sa Kasaysayan"


Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus.

Nobyembre 6, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" 

I
Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto. 
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao
at tinitiis ang mga pasakit na dala nito.
Ito’y pinakamalaking pagpapahiya
sa pinakamataas na Espiritu.

Nobyembre 5, 2018

Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin

Ang Kalooban ng Diyos

Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan


Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa. Magiging kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan yaong mga huwad na sumasaksi gayundin yaong mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Kung gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin.