Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Setyembre 29, 2018

Nadama N'yo na ba ang Mga Inaasam ng Diyos para sa Inyo?


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs |
Nadama N'yo na ba ang Mga Inaasam ng Diyos para sa Inyo?


I
Sino nang nasuri ng Diyos dito sa mundo?
Sino nang nakarinig sa mga salita ng Espiritu ng Diyos?
Sino sa inyong makakasagot kay Job? Sino sa inyo si Pedro?
Bakit binanggit ng Diyos nang maraming beses
sina Job at Pedro?
Nadama na ba ninyo ang inaasam ng Diyos?
Oh, mag-ukol ng oras na magnilay, oh, magnilay.

Setyembre 28, 2018

Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas

Salita ng Diyos | Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas



Ang nilakaran pa lamang ninyo ay isang napakaliit na bahagi ng landas ng isang sumasampalataya sa Diyos, at hindi pa kayo nakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo mula sa pagtatamo ng pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Dahil sa inyong kakayahan at sa inyong katutubong tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos at hindi ito sineseryoso. Ito ang inyong pinakamalaking pagkukulang. Tangi sa roon, wala kayong kakayahan na mahanap ang landas ng Banal na Espiritu. Hindi ito naunawaan ng karamihan sa inyo at hindi ito nakikita nang malinaw.

Setyembre 27, 2018

"Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus


Tagalog Christian Movie 2018 | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus

Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting.

Setyembre 26, 2018

Tagalog Christian Skit "Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Skit "Ang Aking Ama, ang Pastor"

Si Chi  Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon." Noong tinanggap ng kanyang anak na babae ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, gumawa sila ng kanyang asawa ng plano para pigilan siya. Sa araw na ito, babalik ang kanyang anak para magpatotoo sa kanila sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, at nagkaroon ng mainit, matalino, ngunit seryosong pagtatalo ang pamilya …

Setyembre 24, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Unang bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Unang bahagi)"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang disposisyon ng Diyos ay lantad sa lahat at hindi nakatago, dahil hindi kailanman sinadyang umiwas ang Diyos sa sinumang tao at hindi Niya kailanman sinadyang hangarin na itago ang Sarili Niya upang hindi Siya makilala o maunawaan ng mga tao. Ang disposisyon ng Diyos ay palaging bukas at palaging nakaharap sa bawat tao sa isang lantad na paraan. Sa pamamahala ng Diyos, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain na lantad sa lahat; at ginawa Niya sa bawat tao ang Kanyang gawain. Sa paggawa Niya ng gawaing ito, patuloy Niyang ibinubunyag ang Kanyang disposisyon, patuloy Niyang ginagamit ang Kanyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya upang gabayan at tustusan ang bawat tao."

Rekomendasyon:Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)

Setyembre 23, 2018

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao "Punong Salita"

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo | Punong Salita

Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawa’t araw? Alam mo ba ang mga prinsipyo at mga layunin na pinagbabatayan Niya ng bawa’t kilos Niya? Alam mo ba kung paano ka Niya ginagabayan? Alam mo ba ang paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan ng Kanyang pag-aakay sa iyo?

Setyembre 22, 2018

Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos"  (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Siya na gumagawa sa loob ng pagkaDiyos ay kumakatawan sa Diyos, habang yaong gumagawa sa loob ng pagkatao ay mga tao na ginagamit ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang nagkatawang-taong Diyos ay may malaking kaibahan mula sa mga tao na ginagamit ng Diyos. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang gawin ang gawain ng pagkaDiyos, samantalang ang mga tao na ginagamit ng Diyos ay hindi.