Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Setyembre 22, 2018

Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos"  (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Siya na gumagawa sa loob ng pagkaDiyos ay kumakatawan sa Diyos, habang yaong gumagawa sa loob ng pagkatao ay mga tao na ginagamit ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang nagkatawang-taong Diyos ay may malaking kaibahan mula sa mga tao na ginagamit ng Diyos. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang gawin ang gawain ng pagkaDiyos, samantalang ang mga tao na ginagamit ng Diyos ay hindi.

Setyembre 21, 2018

Tagalog Christian Movie Trailer "Kumawala sa Bitag" | See Through Rumors and Welcome the Lord


Tagalog Christian Movie Trailer "Kumawala sa Bitag" | See Through Rumors and Welcome the Lord

2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …

Setyembre 20, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)

I
Ang panalangin ay isa sa mga paraan
kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,
upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwa;'nagan at magiging matatag.
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag.
Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto
sa lalong madaling panahon.

Setyembre 19, 2018

Ang Ika-dalawampu’t dalawang Pagbigkas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ika-dalawampu’t dalawang Pagbigkas

Ang paniniwala sa Diyos ay hindi madaling gawin. Naguguluhan ka, tinatanggap ang lahat at iniisip na ang lahat ay kawili-wili, napakasarap! May mga ilan na pumapalakpak pa rin—wala talaga silang kaunawaan sa kanilang mga espiritu. Nararapat na maglaan ng panahon upang ibuod ang karanasang ito. Sa mga huling araw, lumilitaw ang lahat ng uri ng mga espiritu para gampanan ang kanilang mga papel, hayagang sinasalungat ang mga pasulong na hakbang ng mga anak ng Diyos at nakikibahagi sa pagsira sa pagtatatag ng iglesia. Kung babalewalain mo ito, binibigyan si Satanas ng mga pagkakataong gumawa, guguluhin nito ang iglesia, matataranta at magiging desperado ang mga tao, at sa mga malulubhang kalagayan, mawawalan ang mga tao ng mga pananaw. Sa ganitong paraan, mauuwi sa wala ang Aking paghihirap sa loob ng maraming taon.

Setyembre 18, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay, 
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay. 

Setyembre 17, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos" (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Pagdating sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao.

Setyembre 16, 2018

Maikling Dula | "Baka Nananaginip Tayo" | Can We Enter the Kingdom of Heaven Through Hard Work?


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Maikling Dula | "Baka Nananaginip Tayo"


Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, "Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?" Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…