Sagot:
Ang pagpapakita at gawain ng Diyos para sa mga huling araw ay katulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus, na hinati sa lihim na pagdating at hayagang pagdating. Tinutukoy ng lihim na pagdating ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao, sa gitna ng mga tao, upang ipahayag ang Kanyang tinig at ang Kanyang mga salita, gawin ang Kanyang gawain para sa mga huling araw, at ito ang lihim na pagdating. Para sa hayagang pagdating, darating ang Panginoon nang hayagan sa mga ulap, ibig sabihin, darating ang Panginoon kasama ang libu-libong santo, upang makita ng lahat ng bansa at ng lahat ng tao. Kapag tayo ay sumasaksi sa gawain ng paghatol ng Diyos para sa mga huling araw, maraming tao ang may pag-aalinlangan: “Sinasabi ninyo na nagpakita ang Diyos at Siya ay gumawa, paanong hindi namin ito nakita? Kailan ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig? Paano ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig? Mayroon bang nagtala kung ano ang sinabi ng Diyos nang sinasabi Niya ang mga ito? O direkta bang dinala ng Diyos ang mga salitang iyon sa atin? Bakit ipinahayag ng Diyos ang Kanyang tinig sa inyo? Paanong hindi namin narinig ang Kanyang tinig? Paanong hindi namin nakita?” Mabuti ba ang mga tanong na ito? Medyo mabuti ang mga tanong na ito. ... Nagpakita ang Diyos sa China sa Silangan, ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at gumagawa sa imahe ng nagkatawang-tao na Anak ng tao, at walang kahima-himala. Nagpapakita ang Diyos bilang karaniwang laman, ang Kanyang hitsura ay tulad ng isang karaniwang tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at mga gawain sa atin. Mayroon bang anumang kahima-himala tungkol sa lahat ng ito? Walang kahit anong kahima-himala. Sinasabi ng isang tao: “Kung ito ay hindi man katiting na kahima-himala, Siya ba ay Diyos o hindi? Kung nagpapakita at gumagawa ang Diyos, dapat ay kahima-himala ang Kanyang pagpapakita at gawain.” Hayaan mong tanungin kita, ang Panginoong Jesus na pinaniniwalaan mo sa iyong relihiyon, Siya ba ay kahima-himala nang Siya ay gumawa? Nang Siya ay nakikipag-usap kay Pedro, nakita ba ng iba? Nakita ba ng mga tao na nasa kung saan? Nang Siya ay nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan sa isang lugar, nakikita ba ng ibang tao mula sa ibang mga lugar? Hindi. Bakit hindi nila nagawa? Dahil ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang tao bilang Anak ng tao, at ang Kanyang gawain at ang Kanyang mga salita ay hindi kahima-himala; bukod sa Kanyang mga pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, walang kahit anong kahima-himala. Samakatuwid, walang sinuman mula sa ibang lugar ang nakarinig ng Kanyang mga salita at nakakita ng Kanyang gawa, habang tanging yaong mga nasa Kanyang tabi ang nakakita, nakarinig, at nakaranas ng mga ito. Ito ang tunay at karaniwang aspeto ng gawain ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ngayon? Samakatuwid, hindi alam ng ibang mga relihiyon, ng ibang mga iglesia, at ng ibang mga sekta ang gawain ng Diyos na ginawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa China. Bakit hindi nila alam? Hindi gumagawa ang Diyos sa mga kahima-himalang paraan. Tanging yaong mga taong siyang ginawan Niya ng Kanyang gawain ang nakakita, ang nakarinig; yaong mga taong hindi Niya ginawan ng Kanyang gawain ay hindi nakarinig. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa mga taong Hudyo, tayo ba, mga taong Intsik, ay nagawang makita, marinig? Ang mga Briton at mga Amerikano sa Kanluran ay nagawa bang makita at marinig? Hindi. Bakit ang mga taga-Kanluran at ang mga Oriental Chinese sa huli ay natanggap ang gawain ng Panginoong Jesus? Iyan ay dahil mayroong isang tao na sumaksi, mayroong isang tao na nagpalaganap ng ebanghelyo sa atin, at nagbigay sa atin ng Biblia na ito na nagtala ng mga salita ng Panginoong Jesus at ang gawain ng Panginoong Jesus. Nang magdasal tayo sa Panginoong Jesus, dapat gawin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, at dapat kasama natin ang Banal na Espiritu, at pagpalain tayo ng biyaya, sa gayon tayo ay naniwala na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos at ang Tagapagligtas. Hindi ba’t ganito kung paano tayo naniwala? Ganito kung paano tayo naniwala. Sinasabi ng mga taga-Kanluran na “Nagpakita at gumawa ang Diyos sa China, paanong hindi natin nalaman? Paanong hindi natin nakita at narinig?” Maipaliliwanag ba ang tanong na ito? Oo, maipaliliwanag ito.