Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Agosto 5, 2018

Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon?


ˆ◡ˆ ˆ◡ˆ
Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Naniniwala sila na kung aalis ang isa mula sa Biblia, hindi siya matatawag na mananampalayata kung gayon, at maaaring maligtas at makapasok ang isang tao sa kaharian ng langit hangga't kumakapit siya sa Biblia. Kaya ba talagang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Ano ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Matapos ang lahat, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? ... Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba’y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Agosto 4, 2018

Ang Mga Paniwala at Imahinasyon Ay Hindi Kailanman Makakatulong na Makilala Mo ang Diyos

karanasan, landas, katotohanan, Diyos , Espiritu




I
Ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakasalalay
sa karanasan ni imahinasyon.
Ang mga ito ay hindi dapat kailanman ipataw sa Diyos.
Dahil kahit na gaano kayaman
at kanais-nais ang karanasan ng tao,
sila ay limitado, hindi sila katunayan ni katotohanan,
pagiging hindi rin tugma sa tunay na disposisyon ng Diyos,
pagiging hindi rin naaayon sa tunay na diwa ng Diyos.
Ang matuwid na disposisyon ng Diyos
ay ang Kanyang sariling tunay na diwa;
ito ay hindi idinikta ng tao,
ni katulad sa Kanyang paglikha.
Ang Diyos ay Diyos matapos ang lahat,
Siya ay hindi kailanman bahagi ng Kanyang sariling paglikha.
Kahit na Siya ay makiisa, ang Kanyang disposisyon,
ang kakanyahan ay hindi magbabago, hindi magbabago.

Agosto 3, 2018

Basagin Ang Sumpa (3) | Umiiral ba Ang Salita ng Diyos Bukod sa Biblia?


Basagin Ang Sumpa (3) | Umiiral ba Ang Salita ng Diyos Bukod sa Biblia? 

Naniniwala ang ilang relihiyosong tao na ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, at walang mga salita at gawain ng Diyos maliban sa yaong mga nasa Biblia. Naaayon ba ang pananaw na ito sa katotohanan? Sinasabi ng Biblia, "At mayroon ding iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin" (Juan 21:25). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang kung ano ang Diyos at kung ano ang mayroon Siya ay magpakailanmang di-nauubos at walang-hangganan. ... Huwag muling lilimitahan ang Diyos sa mga aklat, mga salita, o Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita para sa katangian ng gawain ng Diyos—bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain, at higit pa ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglilimita sa Kanya sa loob ng isang tiyak na sakop. Ito ang disposisyon ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).  

Agosto 2, 2018

Christian Songs | Ang Awtoridad at Kapangyarihan na Ipinapakita ng Diyos Nang Nagkatawang-tao


I
D'yos ay dumating sa lupa upang katunaya'y tuparin,
katunayan ng "pagkakatawang-tao ng Salita."
Ang mga salita ng D'yos nagmumula sa katawang-tao
(di tulad Sa Lumang Tipan, 
tuwirang nagsalita ang D'yos mula langit).
Lahat sila'y matutupad sa Milenyong Kaharian
upang maging katunayang nakikita ng tao,
para katupara'y tiyak na makita ng lahat.
Ito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng D'yos.
Naganap ang gawain ng Espiritu
sa pamamagitan ng katawang-tao at salita.
Ito ang kahulugan ng "Salitang nagkatawang-tao,
ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao."

Agosto 1, 2018

Basagin Ang Sumpa (2) | Kapag Nagbalik ang Panginoon, Paano Siya Magpapakita sa Sangkatauhan?


Dumating na ang mga huling araw, at marami sa mga mananampalataya ang naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon at dalhin sila sa kaharian ng langit. Ngunit alam ba ninyo kung papaano magpapakita ang Panginoon sa atin kapag Siya ay bumalik? Magiging ganoon ba gaya ng iniisip natin, na magpapakita Siya nang bukas, direktang bumababa sakay ng ulap? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? ... Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa?" "Kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. ... Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).


Hulyo 31, 2018

2. Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

  
Buhay, Kaharian, Salita ng Diyos, kaligtasan, Langit


    Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. ...

Hulyo 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"


I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.