Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Marso 24, 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang





Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

  Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehovah ay nasa paggawa sa Israel at si Jesus Sarili Niya ay tinupad ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao na Siya ay nasa paggawa sa Judea-at anuman ang kalagayan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak nang lampas sa Israel. Hindi Siya nasa paggawa sa mga taga Egipto; hindi Siya nasa paggawa sa mga Indiyano; nasa paggawa lamang Siya sa mga Israelita. Samakatuwid ang mga tao ay bumuo ng iba’t-ibang mga pagkaintindi; bukod pa rito, binuo nila ang plano ng gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sabi nila na kapag ang Diyos ay nasa paggawa, dapat itong matupad sa mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala ng iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, at wala rin Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay partikular na mahigpit sa “pagdidisiplina” ng Diyos na nagkatawang tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa saklaw ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa lahat ng mga nilalang; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain na para lamang sa Israel? Kung magkagayon, ano ang silbi sa Kanya para gawin ang kabuuan ng Kanyang paglalang? Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Tsino ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay unang gumawa sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos na nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

Marso 23, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan? 


I
Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao;
langit at mundo'y nabubuhay sa Kanyang kapangyarihan.
Walang nabubuhay ang makakapalaya sa sarili 
mula sa utos at awtoridad ng Diyos.
Di na mahalaga kung sino ka, lahat ay dapat sumunod sa Diyos,
magpaubaya sa Kanyang dominyon, kontrol at mga kautusan!
Siguro ikaw ay sabik na mahanap ang buhay at katotohonan,
hanapin ang Diyos na iyong mapagkakatiwalaan 
upang matanggap ang buhay na walang hanggan.

Marso 22, 2018

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Jesus, Biblia, Cristo, krus, Espiritu




Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

   Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, nakakainggit ang inyong pananampalataya, ngunit natatanto ba ninyo na nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-makatarungan? Alam Ko na napakamataimtim at napakamatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ninyo nauunawaan ang tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paano ko hindi mauunawaan si Jesus? Huwag na nating intindihin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng damit na gusto Niyang isuot. Hinahamak Mo ba ako kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at pagsamahan ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang katotohanan, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?

Marso 21, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya 

I
Gawain ng Diyos ginagawa N'ya Mismo.
Siya ang  nagsisimula't nagtatapos ng gawain.
S'ya'ng nagpaplano ng gawain.
S'ya'ng namamahala't nagdadala ng gawain sa katuparan.
Saad sa Biblia, "Diyos ang Pasimula at ang Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin."
"Diyos, ang Pasimula't Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin, ang Tagaani rin."
Lahat na ugnay sa gawang pamamahala ay gawa ng kamay N'ya,
gawa Niya.

Marso 20, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa




 Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa

I
Ang Espiritu ng Diyos ay may awtoridad sa bawat bagay.
Kanyang katawang-tao kasama ang diwa Niya, 
ang kapangyarihan ay pareho pa rin.
Maari pa ring isagawa ng nagkatawang-taong Diyos
ang marami Niyang gawain.
Ginagawa lamang Niya ang kalooban ng Kanyang Ama.
At ang Diyos ay Espiritu, 
maaari N'yang iligtas lahat ng sangkatauhan, 
at gayon din ang Diyos sa katawang-tao.
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain.
Ito ay isang bagay na hindi kailanman maaaring pinangarap 
o nakamit ng sinumang tao.
Ang Diyos ay, Siya ang awtoridad,
ngunit ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop dito.
Ito ang tunay na kahulugan ng
"sinusunod ni Kristo ang kalooban ng Ama."

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao

Espiritu, Cristo, buhay, katotohanan, Biyaya

  Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kanilang hantungan sa hinaharap, o para sa pansamantalang kaluguran. Para sa mga hindi sumasailalim sa kahit anong pakikitungo, ang paniniwala sa Diyos ay alang-alang sa pagpasok sa langit, upang magkamit ng mga gantimpala. Ito ay hindi upang magawang perpekto, o para gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Na ang ibig sabihin, karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa Diyos upang tuparin ang kanilang responsibilidad, o para ganapin ang kanilang tungkulin. Bihira na ang mga tao ay naniniwala sa Diyos upang magkaroon ng makabuluhang mga buhay, ni mayroong mga naniniwalang sapagka’t ang tao ay buháy, dapat niyang mahalin ang Diyos dahil ito ay batas ng langit at panuntunan ng daigdig na gawin ang gayon, at ito ay ang likas na tungkulin ng tao. Sa ganitong paraan, kahit na ang iba’t ibang mga tao ay hinahabol ang kanya-kanyang sariling mga nilalayon, ang layunin ng kanilang paghahabol at ang pangganyak sa likod nito ay magkakaparehong lahat, at, higit pa rito, para sa karamihan sa kanila, ang mga layon ng kanilang pagsamba ay malaki ang pagkakapareho. Sa loob ng lumipas na ilang libong taon, maraming mananampalataya ang nangamatay na, at marami na ang nangamatay at muling isinilang. Hindi lamang ito isa o dalawang tao na naghahanap sa Diyos, ni hindi isa o dalawang libo, nguni’t ang paghahabol ng karamihan sa mga taong ito ay para sa kapakanan ng kanilang sariling inaasam o ng kaluwalhatiang kanilang inaasahan para sa kinabukasan. Iilan lamang at madalang ang mga tapat kay Cristo. Maraming debotong mananampalataya ang nangamatay na ring nabitag sa kanilang mga sariling lambat, at ang bilang ng mga tao na nagtagumpay, higit pa rito, ay kahabag-habag sa kaliitan. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga dahilan kung bakit ang mga tao ay nabibigo, o ang mga lihim ng kanilang tagumpay, ay hindi pa rin batid. Ang mga nahuhumaling sa paghahanap kay Cristo ay hindi pa nakakaranas ng kanilang sandali ng biglang pagkakita, hindi pa nila nararating ang kailaliman ng mga misteryong ito, dahil lamang sa hindi nila nalalaman. Kahit na maingat silang nagsusumikap sa kanilang paghahabol, ang landas na kanilang tinatahak ay ang landas ng kabiguan na minsan nang tinahak ng kanilang mga ninuno, at hindi isa ng tagumpay. Sa ganitong paraan, hindi alintana kung paano sila naghahanap, hindi ba nila tinatahak ang landas na patungo sa kadiliman? Hindi ba ang kanilang nakakamit ay mapait na bunga? Mahirap na ngang hulaan kung ang mga taong tumutulad sa mga nagtagumpay sa nakalipas na panahon ay hahantong sa mabuting kapalaran o kapahamakan sa kahuli-hulihan. Gaano pa kayang mas masahol ang mga pagkakataon, kung gayon, para sa mga taong nais makasumpong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga yapak ng mga nagkamali? Hindi ba sila magkakaroon ng higit na mas malaking pagkakataon para magkamali? Anong halaga ang naroroon sa landas na kanilang tinatahak? Hindi ba nila inaaksaya ang kanilang oras? Kung ang mga tao man ay magtatagumpay o mabibigo sa kanilang paghahabol, sa madaling salita, mayroong dahilan kaya nila ito ginagawa, at hindi ito ang kalagayan na ang kanilang tagumpay o kabiguan ay malalaman sa pamamagitan ng paghahanap kung paano man nila gusto.

Marso 18, 2018

Cristianong Papuring Kanta | Tunay na Ligaya ang Maging Taong Tapat | Musikang Video


Cristianong Papuring Kanta | Tunay na Ligaya ang Maging Taong Tapat | Musikang Video

I
Unawa sa katotohana’y nagpapalaya sa  espiritu’t nagpapasaya.
Tunay nga!
Ako’y puno ng tiwala sa salita ng Diyos at walang duda.
Paano tayo magdududa pa?
Ako’y di negatibo, di umuurong, at  kailanma’y di mawawalan ng pag-asa.
Masdan mo!
Tangan ko aking tungkulin buong puso’t isipan, at di nagbibigay-pansin sa laman.
Ako’y di rin masama!
Bagama’t ako’y mababa, puso ko’y hindi madaya.