Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Enero 15, 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) - Agawan sa Ginto



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) - Agawan sa Ginto

  Nang makakita si Xiaozhen ng isang malaking pirasong ginto, tinawag niya ang kanyang mga kaibigan para ipakita ito. Ang hindi niya alam ay kapag nakakita ng ginto ang mga tao, lumilitaw ang likas na kabutihan at kasamaan ng tao …

Enero 14, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

 kalooban, Paghuhukom, paggalang, pagkamatuwid, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian 


  1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

  2. Dapat ninyong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at walang nakasasama sa mga benepisyo ng gawain ng Diyos. Dapat ninyong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, patotoo ng Diyos, at gawain ng Diyos.

Enero 13, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Drama-musikal  Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick

  Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: "Saan nanggaling ang sangkatauhan?" Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao

pag-ibig, buhay, katotohanan, Kaharian, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao

I
Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia'y nagkakahubog.
Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito.
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n'yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla't galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.

Enero 11, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

katotohanan, pananampalataya sa Diyos, Kaalaman, matapat, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa


  Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?

Enero 10, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Nagkatawang-Taong Diyos Ay Di-karaniwang Tao




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Nagkatawang-Taong Diyos Ay Di-karaniwang Tao

I
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.
Lahat sayo'y Kanyang ibibigay;
lahat mo ay nasa Kanyang palad.
Gaya ba Siya ng inyong pinaniniwalaan—
lubhang payak upang mabanggit?
Di kayo makumbinsi ng katotohanan Niya?
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.

Enero 9, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita

pag-ibig, karunungan, katotohanan, kalooban, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita

I
Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya.
Ahh ... ahh ... ahh …
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Na walang kinikilingan; malapit na samasama,
ang tamis at saya sa puso'y umaapaw.
Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon;
ngayon tayo'y nagkakaintindihan,
namumuhay sa pag-ibig ng Diyos.
Gaano kasaya kung tayo'y
nagkakaintindihan at walang katiwalian.
Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya.
Na walang kinikilingan, malapit na samasama.
Ahh ... ahh ... ahh ...
oohing……