Tagalog Christian Movies | "Walang Katumbas ang Katapatan" | God Led Me Onto the Right Path of Life
Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait siya, tapat, at nagnegosyo nang naaayon sa libro. Hindi niya susubukang manloko ng kapwa, pero halos sapat lang ang kinikita niya para masuportahan ang kanyang pamilya. Paglipas ng ilang panahon, isang kapamilya at kapwa negosyante ang nag-udyok sa kanyang gawin ang mga di-nakasulat na tuntunin ng negosyo, at nagsimulang maniwala si Zhen Cheng sa mga kasabihang kumakatawan sa satanikong pilosopiya tulad ng: “Ang isang taong walang ikalawang kita ay hindi yayaman kailanman tulad ng isang kabayong hindi bibigat kailanman dahil ginutom sa dayami sa gabi,” “Ang mapangahas ay namamatay sa katakawan ; ang mahiyain ay namamatay sa gutom,” “Hindi pera ang lahat, pero kung wala nito, wala kang magagawang anuman,” at “Una ang pera.”