Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Abril 29, 2018

Kanta ng Papuri | Ang mga Taong Nakamit ng Diyos ay Magtatamasa ng mga Pagpapalang Walang-Hanggan


 I
Hindi lilipulin ng D'yos ang sangkatauhan,
ang buong daigdig 'di N'ya wawakasan.
Ang sangkatlong nagmamahal sa Kanya
at nalupig ay Kanyang iingatan.
Sa mundo sila'y gagawin N'yang mabunga,
tulad ng mga Israelita.
Ibibigay N'ya ang mga panustos
at lahat ng yaman sa lupa.
Sila'y mabubuhay magpakailanman sa piling ng D'yos,
hindi na sila madudungisan. (Ah)
Isang pulong ng lahat ng nakamit ng D'yos
ang lalagi matapos si Satanas ay matalo. (Oh)

II
Malaya mula sa pamiminsala ni Satanas,
ang bahaging ito ng sangkatauhan ng mundo
ay makakamtan ang Kanyang 'pinangako.
Ang taong nalupig ay lalagi,
matatamasa nila ang mga biyaya sa mundo.
Sila'y patunay ng tagumpay ng Diyos laban kay Satanas.
Sila'y mabubuhay magpakailanman sa piling ng Diyos,
hindi na sila madudungisan. (Ah)
Isang pulong ng lahat ng nakamit ng Diyos
ang lalagi matapos si Satanas ay matalo.
III
Sila'y mula sa bawa't relihiyon, sa bawa't bansa,
iba't ibang lipi na iba't ibang wika,
may iba't ibang kaugalian at kulay ng balat.
Sila ang mga bunga,
sila ang mga bunga ng pagliligtas ng D'yos.
Sila ang mga bunga,
sila ang mga bunga ng pagliligtas ng D'yos.
Ang mga nalabing ito ng digmaan ay sinagip ng D'yos mula
sa pagsakmal ni Satanas.
Sila lamang ang bunga mula
sa anim-na-libong taong plano ng pamamahala ng D'yos.
Nagkalat sila sa buong mundo. Mga taong nagkakaisa.
Isang komunidad
ng tao na hindi abot ng masamang kapangyarihan ni Satanas.
Sila ang mga bunga,
sila ang mga bunga ng pagliligtas ng D'yos.
Sila ang mga bunga.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento