Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Enero 27, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

buhay, Cordero, sundin, Daan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno,



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

I
Ialay 'yong sarili sa Diyos, sarili'y ilaan sa Kanya,
Iniwan ng pamilya, sinira ng mundo.
Hindi patag ang daan pagsunod sa Diyos.
Puso't kaluluwa'y 'nilagak sa paglawak ng kaharian ng Diyos.
Nakita ko pagpapalit ng panahon.
Tanggap ko'ng pagsapit ng saya't lungkot.
Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya'y sinusunod.
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!

II
Sa daan ng pagmamahal sa Diyos, tinitiis mapait na pagsubok.
Tahimik na binabata panganib at pasakit.
Magdusa man nang labis, puso ko'y sa Diyos umiibig.
Saksi sa gawa ng Diyos, saan-saan tumutungo.
Nakita ko pagpalit ng panahon.
Tanggap ko pagsapit ng saya't lungkot.
Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya'y sinusunod.
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
III
Kapighatia't mga pagsubok kay bigat.
Tagumpay't kabiguan dinaranas.
Ngunit kalooban Niya'y handang sundin,
buhay sa Kanya'y gugugulin.
Buo na ang pasya, na magdusa buong buhay.
Oo, magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento