Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Setyembre 14, 2018

Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw
ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita

 I
Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw
winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya
at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,
mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.
Nagsagawa Siya ng mga milagro at pinagaling ang may sakit,
ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit,
at ipinako sa krus para tubusin ang lahat ng tao.

Setyembre 13, 2018

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back

Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya.  Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan.

Setyembre 12, 2018

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)

Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam....

Setyembre 10, 2018

Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan



Mga Himno, katawang-tao, Diyos, Sangkatauhan

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan

I
Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya'y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya'y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa
sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N'ya iligtas tiwaling tao,
na namumuhay kasama N'ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D'yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D'yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.

Setyembre 9, 2018

Christian Crosstalk "Sinabi ng Aming Pastor …" | Who Should We Obey as We Believe in the Lord?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Christian Crosstalk "Sinabi ng Aming Pastor …"


Si Yu Shunfu ay naniniwala sa relihiyosong mundo na humahanga at sumasamba sa mga pastor at elder. Iniisip niya na "lahat ng pastor at elder ay itinatag ng Diyos, at ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos," kaya nakikinig siya sa kanyang pastor sa lahat ng ginagawa niya, maging sa usaping pagsulubong sa pagbabalik ng Panginoon. Ngunit sa isang matalinong debate, mababatid ni Yu  Shunfu na ang pagsunod sa mga relihiyosong palagay ay kalokohan at di-makatwiran, at sa wakas ay nababatid na niyang ang pagdakila sa Diyos ay dumarating una sa paniniwala, at dapat ilaan ng isang tao ang "templo" ng puso para sa Diyos. Kaya, pinipili niyang hanapin at siyasatin nang nag-iisa ang totoong daan… 

Setyembre 7, 2018

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos

Mga Pagbigkas ni Cristo, Kaalaman sa Diyos, Salita ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging matalik na kaibigan ng Diyos kung hindi mo naman kilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang ganitong pagsisikap ay malabo at mahirap maunawaan?

Setyembre 6, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos

Mga Himno,panalangin


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang mga Bunga ng Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos


I
Ang pusong tunay na tahimik sa harap ng Diyos
ay di magagambala ng anuman sa mundo,
kahit ng tao, pangyayari o bagay;
maging tahimik sa harap ng Diyos.
Lahat ng negatibo'y nawawala,
ito ma’y pagkaintindi o masamang isip,
pilosopiya, maling ugnayan sa tao;
pumayapa sa harap ng Diyos.